CHAPTER 6: TAMBAYAN

4K 199 31
                                    

CHAPTER 6: TAMBAYAN

Samantha POV's

Malakas akong kumatok sa malaking kulay mocha na pinto ng makaharap ko ito. Inulit ko iyun ng hindi pa 'din kami pagbuksan. Sa pangalawanag pagkakataon ay nakadinig ako ng yabag ng papalapit na sapatos.

"Oh, andito na pala kayo." salubong ni Zed ng siya ang madatnan namin ng bumukas ang pintuan.

"Kanina pa, kuya." nagsusungit na sagot ng kapatid niya.

"Pasok na kayo." hindi niya pagpapansin sa sinabi ng kapatid.

Ako na ang unang pumasok at sumunod naman 'yung dalawa sa akin. Hinanap ng mata ko si kuya, nakaupo lang ito sa mahabang itim na sofa habang nanonood ng movie sa malaking television.

Nilibot ko ang tingin sa paligid ng mapansin ang pagkaiba na kulay ng mga pader. Dati ay halos kulay itim ang bawat pader pero ngayon ay naglalaro na sa tatlong kulay, itim, gray at cream. Pati ang ayos ng mga gamit ay naiba na kesa sa una.

"Sam!" nagulat ako sa biglang mahigpit na yakap ni Janna sa akin. Sa higpit nito ay halos hindi na ako makahinga.

"Ate, hindi ako makahinga..." nahihirapan kong' usal. Agad siyang lumayo, kinuha ko ang pagkakataon para huminga ng malalim.

Grabe!

"Are you okay, Sam? I'm so sorry, I really miss you so much lang." nakamot niya ang ulo.

"Ayos lang. Luwagan mo lang sa susunod ang pag yakap." nagpeace sign siya kaya ngumiti ako bilang ganti.

Lumapit din sa akin si Aleina para yumakap. Matapos makipagbatiaan sa kanila ay naglakad  ako palapit kay kuya, tinapik ko ang braso niya tsaka tumabi ng upo.

"Hindi mo 'man lang sinabi na magkikita kita dito sa tambayan."

Nilingon niya ako. "I do not have load." pagsusungit niyang sabi.

"May sarili kang pera."

"Magastos." napangiwi nalang ako.

"Anong meron, bakit niyo kami pinapunta dito?" tanong ni Alexa ng sumalampak siya sa solo sofa.

"Tungkol sa naghahanap kay, Sam." kumunot ang noo kong' tumingin kay Aleina.

"Bakit?"

"Kailangan mong mag ingat. Nasa paligid lang sila, Sam." seryosong sagot niya.

"Hindi ko masyado maintindihan." tila'y naguguluhan kong' salita.

"Kaninang umaga napansin ko 'yung tatlong lalake sa harap ng gate ng SLRS. Isa sa kanila ang namukaan ko, iyong muntik ng sumaksak sayo, Sam." ipinatong niya ang baba sa kamao ng matapos sabihin iyon.

"Sinabi sa akin ni Aleina yung nakita niya kaya agad kong tinawagan si Steven. Nang malaman niya, inutusan niya akong papuntahan kayo dito." dagdag ni Zed.

Behind her Eyeglasses (Part One)Where stories live. Discover now