CHAPTER 10: SUPER GIRL
Samantha POV's
Matapos namin kumain sa canteen, napagpasyahan namin ang pagtambay dito sa green field. Absent ang magtuturo sa amin ngayong oras kaya wala kami sa room kahit umpisa na ng klase.
Habang nakatambay kami dito ay naiirita na ako. Panay kasi ang pangbubuyo sa akin ng dalawang kasama ko. Kinukulit din nila akong mag kwento tungkol sa nangyare kahapon, kung paano ko tinulunga si Ivan. Simula sa canteen 'yan lang ang pinuputak nila hanggang nayong nandiro kami sa green field.
Nakakairita ang ginagawa nila.
"Kaya pala nawala kahapon kasi naging si super girl na naman." tinignan ko na ng masama si Zoe, kanina pa siya at hindi parin tumitigil sa pangangasar. "Nabugbog mo ba yung 'nang trip kay, Ivan?" pag uulit niya ng asar.
Inis akong napabuntong hininga. "Hindi ka 'ba talaga titigil, Zoe?" nauubusang pasensya na tanong ko.
Napakadaldal.
"I-kwento mo na kasi, Sam, para tumigil na si Zoe sa kakatanong." sabat ni Alexa na tahimik lang nakikinig kanina.
"Wala akong gana mag kwento." walang ganang sagot ko kaya ganon nalang ang pagkakahinayang sa muka nila.
Inalis nila ang tingin sa akin at pinagkukuha ang sariling cellphone. Tamad akong sumandal sa kinauupuan saka kusang naalala ang mga pangyayare kahapon ng umalis ako sa inuupahan naming bahay.
Nasa tapat ako ng SLRS, nagbabakasakaling
makita 'yung mga lalakeng nag aabang daw dito
na nakita ni Aleina. Nakatago ako sa puno ng mangga na malapit lang sa tapat ng SLRS.Gusto ko kasing mamukaan ang mga lalakeng iyon at makasigurado kong' sila ba ang grupo na muntikan ng makasaksak sa akin ng patalim.
Nakasandal ako sa motor habang nakatago ang isang kamay sa bulsa. Bigla akong nakadinig ng ingay sa kung saan. "Ano po bang kailangan niyo sa akin?!" nahihimigan kong' boses ng isang lalake 'yun.
Umalis ako sa pagkakasandal para ilibot ang mata sa bawat sulok ng lugar. Naningkit ang mata ko ng maanigan ang isang batang lalake sa gilid. May dalawang lalake na kasing edad ko lang ang kaharap niya na mukang pinag t-tripan siya.
YOU ARE READING
Behind her Eyeglasses (Part One)
FanfictionThe playboy - Tamang paikot lang sa utak ng mga babaeng gusto niya lang paglaruan pero ano kayang mangyayare kapag nakilala nya ang isang nerd na transferee sa Bethune City University? The nerd - Walang emosyon na ipinapakita sa muka at hindi lang s...