CHAPTER 44: REDKHEILL ORGANIZATION

2.7K 113 10
                                    

CHAPTER 44: REDKHEILL ORGANIZATION

Samantha POV's

Dumaan ang hindi lang araw kundi dalawang linggong pamamalagi ko sa ospital ng makalabas na ako. Rinig ko na ulit ang mga ingayan at bulungan ng mga estudyante habang nakatingin sa aming tatlo.

Naririnig ko ang usapan nila tungkol sa nangyareng prom night. Wala akong naririnig na ikakarindi ng tenga ko lahat ay humahanga, hindi makapaniwala at mukang may nag iidolo pa sa amin.

"Totoo nga' na hindi talaga nerd si Samantha pero infairness ang ganda niya pala talaga!"

"Kung hindi dahil sa ginawa nilang pagligtas sa atin baka pinaglalamayan na ako ngayon."

"Para talaga silang powerpuff girls!"

Napailing nalang ako sa mga naririnig ko. Hindi ko na suot ang fake eye glasses ko, napansin ko kasi na kahit mag disguise ako malalaman pa rin ng mga kalaban ko kung nasaan ako. Tulad ni Renz, nahanap ako kahit nerd ang pagkatao ko dito sa eskwelahan.

"Hey!" napalingon kami kay James. Kasama niya yung dalawa. Naagaw ng atensyon ko si Dave na seryoso ang awra at ngayon ko nalang ulit siya nakita simula nung umalis siya bigla habang kausap si Aleina at Alexa.

Isa sa ipinagtataka ko iyon kung bakit hindi na siya pumunta pa sa ospital. Tinanong ko si Alexa ngunit hindi niya rin alam ang rason, hindi na nga rin daw siya kinakausap. Kaparehas ko lang si Zoe na walang alam at nagtataka. Ito namang dalawang kaibigan niya ay walang sinasabi, kapag magtatanong ako isa sa kanila, umiiwas.

Sunod kong tinignan si Carl. Nakatingin din siya sa akin na agad niya inalis nung tumingin ako. Naging iba ang kinilos nila simula ng masali sa grupo. Parang may tinatago na hindi sinasabi sa aming tatlo.

"Dave, anong nangyare sayo. Bakit ngayon kalang ulit nagpakita?!" takang tanong ni Zoe sa kanya.

"May inasikaso lang." seryosong sagot niya na ikinunot ng noo ko."Una na muna ako. Antayin ko nalang kayo sa room, pre." napatingin muna siya kay Alexa saka naglakad paalis sa harap namin.

Iniiwasan niya ba kami?

"Problema no'n?"  hindi ko pinansin yung tanong ni Zoe.

Tumingin ako sa dalawa at seryosong nagtanong. "May tinatago ba kayo sa amin?" nagkatinginan sila saka binalik ulit ang tingin sa akin.

"Wala, Sam. Bakit?” balik tanong sa akin ni James kaya tinignan ko siya sa mata kong nagsasabi ba siya ng totoo kaso bigla naman siyang umiwas.

"Natanong ko lang." naglakad ako paalis sa harap nila para pumunta na ng classroom.

"Sam, saan kana naman pupunta?!"

Panay ang ngiti at bati sa akin ng mga estudyante kaya naiilang ako. Nakakapanibago sa trinato nila sa akin nung unang pasok ko sa eskwelahan na ito. Tinatanguan ko ang bawat isa sa kanila na bumabati.

Behind her Eyeglasses (Part One)Where stories live. Discover now