CHAPTER 29: DRUNK

3K 133 13
                                    

CHAPTER 29: DRUNK

Carl Phol POV's

Bahala ng mukang tanga ako ngayon basta kaharap ko yung babaeng inaantay kong makita ulit dito. Hindi ko siya inaya kundi kusa siyang nakitable sa akin. Nakakagulat sa totoo lang ng makita ko siyang nakatingin na sa akin kanina.

Tuwing nakikita ko siya hindi na nawawala ang pagkahanga ko sa ganda niya. Yung porma niya na pulos itim ay bumagay sa kanya. Kaso nakakapagtaka na nakatingin siya sa akin na mukang may malalim na iniisip. Gusto ko magtanong pero nakaramdam ako ng hiya, hindi naman ako ganto sa babae.

The fvck!

Tinungga ko ng isang lagok ang alak na nasa baso  dahil sa naiisip at nararamdaman ko. Pinatong ko pabalik sa lamesa 'yon at tinignan ang kaharap ko na umiinom na rin. Parang tanga ko siya pinanood uminom na akala mo ay nasa commercial ng mga beer.

"Can I ask your name?" lakas loob na pagtatanong ko ng mailapag niya ang bote ng beer sa lamesa.

Tinignan niya ako ng nagtataka. Nakikita ko sa kanya si nerd kapag tumitingin siya sa akin. Yung itsura niya ay hindi nalalayo sa muka ni nerd kapag walang suot na salamin. Ang tanging buhok lang nila ang naiiba, sa kanya ay bagsak at kay nerd naman ay wavy ang buhok.

'Yon lang ang nakikita kong kaibahan nila ngayon na mas malinaw at malapit ko napapagmasdan ang muka niya. Pati ang kulay ng balat nila ay magkapareho, kung pasusuotin ko ng eye glasses itong kaharap ko mapapagkamalan ko na siya si nerd.

Nabalik ako sa realidad ng madinig ko ang boses niya na sumagot. Kahit boses ay pareho sila. "I'm Samantha," gulat ko siyang tinignan. Nanlamig ang katawan ko.

Napatungga ako ng matuliro sa narinig. Baka magkapangalan lang sila pero magkaiba ng apelyido. Hindi ako nawalan ng pag asa sa pag iisip kaya nilakasan ko ang loob na harapin siya.

"Samantha what?" mukang naguluhan siya sa sinabi kong iyon.

"Anong what?"

"I mean, your full name." inabangan ko ang isasagot niya ng makuha na ang ibig kong sabihin.

"Samantha Anderson," tilay nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Naisandal ko ang katawan sa inuupuan dahil parang nanghina ako sa paghalo ng mga reaksyon ko. "Villanueva."

What the hell!

Napaayos ako ng upo ng may idugtong siya na nag echo sa tenga ko. Lumabas ang ngisi niya sa labi ng tignan ko siya. Mas lalong naging kamuka niya si nerd kapag nakangisi!

"I'm Samantha Anderson Villanueva. Samantha is my first name, Anderson is my middle name and Villanueva is my last name." pagpapaliwanag pa niya sa buong pangalan.

"You're joking, right?" natatawang salita ko. Pinapalakas ang loob na nagbibiro lang talaga siya at walang katotohanan ang mga sinabi.

"Wala ako sa oras para magbiro sayo. Tss." naidukdok ko ang muka sa lamesa. Kahit pananalita niya ay kapareho ni nerd. Ayaw tanggapin ng utak ko na iisa lang sila.

Bakit ganto siya kaganda?!

Imposible lahat ng nangyayare na ito. Sobrang gandang babae ang kaharap ko ngayon tapos magpapakilala siya gamit ang pangalan ng nerd na 'yon.

Behind her Eyeglasses (Part One)Where stories live. Discover now