CHAPTER 50: HIS OWN PLAN

2.7K 114 12
                                    

CHAPTER 50: HIS OWN PLAN

Carl Phol POV's

Dama ko ang hapdi at sakit ng buong katawan ko ng magising ako. Pagod na pagod pa ang buong katawan ko dahil sa pagbugbog sa akin ni Allen. Ginawa pa akong punching bag dahil sa pagkabadtrip niya.

"Carl, tubig, oh." inalalayan ako ni Richard na makainom ng tubig na dala niya.

"Thanks." salita ko ng mailayo na sa labi ko ang baso ng tubig.

Inilagay nila ako sa isang maliit na kwarto at nasa kabilang kwarto lang nakatago ang mga pamilya namin. Wala pa silang alam na nandito lang ako sa katabing kwarto nila.

"Richard, Where's Bryle?" Hindi ko inaakala na maasahan ko din pala si Richard. Simula ng malaman ko na sila ni Bryle ang magbabantay sa akin doon naglakas ng loob na sabihin ni Richard na tutulungan nila ako ni Bryle.

Noong una hindi ako naniwala sa kanya dahil hindi naman kami close ni Richard at isa pa baka pinapaikot niya lang ako. Pero, nung si Bryle na ang nagsabi at nag kwento naniwala nalang din ako.

Nabanggit naman ni Alexa na kakampi namin ang ex-boyfriend niyang si Bryle kaya naniwala na talaga ako sa kanila.

"Nasa kabila, siya na muna ang nagbantay 'don." tumango lang ako sa naging sagot niya. "Ah, Carl,"

Nagtatanong ang muka na tinignan ko si Richard dahil mukang may sasabihin ito. "May problema ba?"

"Nagkita kami ni Samantha kanina." nanlaki ang mata ko sa binitawan niyang salita. Binigyan ko siya ng tingin na ituloy ang sasabihin. "Kinamusta niya yung lagay mo. Sinabi ko din sa kanya na may gagawin kang plano at sabi niya
may tiwala sila sa gagawin mo." napangiti ako ng kusa. Parang may kung anong kumiliti sa puso ko.

"Buti naman may tiwala sila." pagbibiro ko. Tinawanan lang niya ako at biglang sumeryoso  ang itsura.

May bipolar ba 'to?

"Carl, ano ba yung plano mo?" takang tanong nito.

Sinenyasan ko siya na lumapit sa akin. Baka kasi may makarinig pa sa plano ko. Gusto ko pa naman maging perfect plan ito.

"Who are the people in the other room?" may kung anong dinukot 'to sa bulsa ng jacket niya.

"Hindi ko kasi kabisado." binuksan niya yung cellphone at may pinindot siyang kung ano doon.

Saige Villanueva

Luke Montermoso

Annalyn Torre-Montermoso

Nicole Ann Montermoso

Vince Jon Montermoso

Raquel Sevadera-De Leon

Jax De Leon

Paola Garcia

Zadie Cruz-Orteza

David Orteza

Sariena Alvarez-Gomez

Evan Colt Gomez

Behind her Eyeglasses (Part One)Where stories live. Discover now