CHAPTER 51: A PERFECT PLAN
Carl Phol POV's
Lahat kami ay nakaayos na. Nakasuot na ng pang body guard na uniform sila Aleina at Zed, may suot silang shade na itim para hindi makilala. Sila Ava at Ate Janna naman ay nakagown na at nakaayos na rin ang lahat sa kanila. Nag iba nga talaga ang itsura ni Ate Janna.
Ako naman ngayon ay nakasuot ng pang waiter na uniform. Bitbit ko na ang backpack na dadalhin.
"Mauuna na ako sa inyo." agaw atensyon ko sa pagiging busy nilang apat.
"Sigurado ka ba, Carl, na ganyan lang ang suot mo? Makikilala ka nila kapag ganyan." Nag aalalang tanong ni Ate Janna na tinuro pa ang suot ko. Binigyan ko siya ng ngiti saka nagsalita.
"Akong bahala." napailing nalang siya dahil sa isinagot ko. "Ako na gagamit doon sa van. Ipaparada ko siya sa likod kung saan paglalabasan din natin mamaya pag nakuha na sila Allen at Vanessa." Kinuha ko yung susi na nasa lamesa.
"Ingat, Carl." Sumaludo ako kay Zed bago lumabas. Nakita ko yung itim na van kaya lumapit ako doon at sumakay.
Ini-start ko yung makina saka nagmaneho paalis sa lugar. Kinuha ko yung phone sa bulsa para tawagan si Richard. Buti nalang talaga tanga si Allen at Vanessa kasi hindi nila nakuha yung phone ko na nasa bulsa ko lang. Naka ilang ring palang ng sagutin na ni Richard iyon.
[Hello, who's this?]
"Hi baby." Ginawa kong pambabae yung boses ko ng sabihin 'yon. Halos makagat ko pa ang dila ko dahil sa pagpipigil ng tawa.
[Wrong number ka ata, miss.]
"Di 'ba magkasama lang tayo kagabi. Nilalandi mo pa nga ako."
[A-ano?! Wala akong—.]
"Ganyan ka na 'ba sa akin, Richard?" Naiiyak ko pang drama habang sinasabi sa kanya 'yon.
[Nakadroga ka ba, miss?]
Hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa dahil sa sunod niyang sinabi. Nahampas ko pa ang manibela dahil sa pagtawa.
"Ang cute mo palang asarin, Chard!"
[Gago ka, Carl! Bakit ka ba tumawag?]
"Papunta na ako sa hotel. Andoon na 'ba yung mga waiter na kinausap mo?"
[Oo. Inaantay kana nila.]
"Okay. How's Steven there?"
[Galing umarte, gayang gaya ka. Paniwalang paniwala nga din 'yong dalawang baliw.]
Pagtutukoy niya kela Allen at Vanessa.
"Buti naman. Malapit na ako sa hotel kaya mamaya nalang."
YOU ARE READING
Behind her Eyeglasses (Part One)
Fiksi PenggemarThe playboy - Tamang paikot lang sa utak ng mga babaeng gusto niya lang paglaruan pero ano kayang mangyayare kapag nakilala nya ang isang nerd na transferee sa Bethune City University? The nerd - Walang emosyon na ipinapakita sa muka at hindi lang s...