CHAPTER 17: SIBLINGS

3.4K 150 6
                                    

CHAPTER 17: SIBLINGS

Carl Phol POV's

Nakatingin lang kami ni Dave kay James habang may kausap ito sa phone niya. Mabilis lang siya g natapos kaya naglakad na siya palapit sa amin. Pinili muna namin ni Dave na wag mag tanong gayong ang dami naming itatanong sa kanya.

Nakakapagtaka kasi na kasama siya sa pag uusap na sinabi ni nerd kanina. Hindi pa kami sinama at tanging si James lang. Bumabalik na naman ang hinala namin ni Dave na baka ay kilala talaga ni James yung tatlo at hindi niya lang sinasabi sa amin ang totoo.

Sa totoo ay nakakapangsama ng loob dahil parang hindi kami pagkakatiwalaan ni James sa sasabihin niya. Gusto ko lang naman malaman ang totoo pero hindi niya masabi ang katotohanan.

"Canteen lang kami." paalam ni Alexa ng makalapit kami sa kanila. Tumango lang ako saka sila naglakad paalis.

"Saan pupunta yung dalawa?" tanong ni James ng mapatingin siya sa dalawa. Siguro lutan na naman siya kaya hindi niya nadinig ang sinabi nung dalawa.

"Pupunta lang daw silang canteen," tumango siya. Umupo kami sa bakanteng bench na nakita. "Sino yung kausap mo sa phone?" pagtatanong ko.

"Tumawag si ate, pupunta daw siya dito." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi pumupunta ang kapatid niya dito kung wala namang importanteng gagawin.

"Bakit daw?"

"Wala siyang sinabi, Carl." seryosong sagot nito.

"Pre, baka may kasalanan ka sa ate!" pang aasar ni Dave kaya binatukan siya ng katabi.

"Loko!" natatawang salita niya ng makita ang reaksyon ni Dave.

"Hi boys!" gulat kaming napatingin sa harap ng biglang sumulpot si Ate Janna. Sabay kaming tatlo tumayo para yumakap bilang pagbati.

"Lalo kang gumaganda, ate!" pangbobola ni Dave ng lumayo siya sa pagkakayakap.

Natawa si Ate Janna sa kanya. "Alam ko naman iyon, Dave, wag mo ng ipaalala." kahit ako ay natawa ng sabihin niya 'yon ng dire-diretso.

"Why are you here, ate?" takang tanong ni James sa kanya. Wala talagang ideya kung bakit andito ang ate niya.

"Itatanong ko lang kung kilala mo ba sila Alexa, Zoe at si Sa—"

"ATE JANNA!" nahinto siya sa pagsasalita ng may biglang sumigaw sa pangalan niya kaya. Nilingon namin kung sino 'yon.

Magkakakilala sila?!

"OMG!, Zoe and Alexa!" tumakbo si Ate Janna palapit sa kanilang dalawa saka yumakap.

"Magkakakilala silang tatlo?" takang tanong ni Dave kaya napatingin ako kay James na nakakunot ang noo.

"I don't know." umiling siya ng paulit ulit.

Masaya silang tatlo na naglakad palapit sa amin. Nakaakbay pa siya sa dalawa na parang matagal na talagang magkakakilala. Tumingin sa akin si Zoe at dumulas 'yon papunta kay James.

"Siya ba 'yong kapatid mo, ate?" tanong nito.

"Yes. James De Leon, baby boy namin sa bahay 'yan." pagpapakilala niya sa kapatid na ikinatawa namin.

Behind her Eyeglasses (Part One)Where stories live. Discover now