CHAPTER 31: FALLING
Dave POV's
Kanina pa namin hinahanap si Carl. Nalibot na namin ang buong BCU pero hindi namin nakita ni James ang muka ng kupal na kaibigan. Saan ba kasi nagsusuot 'yon? Lulutang lutan kasi kanina kaya ayan napalabas ni ma'am.
Tapos na ang klase kaya hinahanap namin siya kaso wala naman sa paligid. Andito kami sa field para magpahinga dahil kanina pa kami ikot ng ikot. Nakakapagod ang gantong gawain, makukutungan ko talaga si Carl kapag nakita ko siya.
Nililibot ko ang tingin sa paligid ng makita ko sila Alexa at Zoe. Ang taray na naman ng muka ni Alexa habang naglalakad. Bigla siyang napatingin sa akin kaya tumaas ang kilay niya, iniwas ko ang tingin dahil paniguradong mamalditahan na naman ako nito. Nung nakaraan lang siya mabait yung dalawa kami magkasama.
Ngiti ka naman d'yan yung pang' commercial ng close up.
"Anong ginagawa niyo dito?" boses ni Zoe 'yon. Andito na sila sa harap namin.
"Nagpapahinga lang." pag sagot ni James.
"Usog," napapangiwing tinignan ko si Alexa ng tinutulak niya ako pagilid. "Sabi ko usog." sinabay ko ang katawan ko sa pagtulak niya.
Umupo sila pareho sa gitna namin ni James. Hindi ito ang unang beses na nagkatabi kami pero nakakaramdam pa rin ako ng ilang. Simula kasi sa mga pinagsasabi niya nung nakaraan ay naging iba na ang epekto sa akin 'non.
Kinikilig, naguguluhan at umaasa na magkatotoo.
Tuwing gabi lagi ko siyang iniisip bago matulog. Hindi na mabubura sa utak ko ang ngiti at pagtawa niya habang magkasama kami. Yun ang gusto ko makita araw araw pero heto ngayon nagtataray na naman siya.
Mood swing talaga.
"Napansin niyo ba si Carl?" dinig kong pagtatanong ni James sa kanila.
"Nakausap ko kanina si Carl 'nong may klase pa kami. Hinahanap niya nga si Sam eh."
Hinahanap kanina ni Sam si Carl tapos yung damit ni Carl na dala ay amoy pabango daw ni Sam tapos hinahanap ni Carl si Sam kanina lang din. Anak ng— Ano ba meron sa kanilang dalawa ngayon?
"Bakit dalawa lang kayo, nasaan si Sam?" takang tanong ko.
"'Yon nga eh, kanina pa 'din namin siya hinahanap. Hindi siya bumalik matapos magpaalam na mag ba-banyo lang daw."
"Oy, saan ka pupunta?" usal ko ng biglang umalis si Alexa sa tabi ko. Hindi niya ako nilingon at dire-diretso lang sa paglalakad.
Tumayo kaming tatlo para sundan siya. Nakarating kami sa parking lot at lumapit si Alexa sa motor niya. Napansin ko na dalawa lang ang motor na naka-park kaya napatingin ako sa mga kotse, napansin ko din na wala yung kotse ni Carl.
"Wala yung motor ni Sam." kalamadong salita ni Alexa na bumaling pa sa amin.
"Wala din yung kotse ni Carl." salita din ni James na dapat ako ang magsasabi. Nangunguna sa aking linya yun eh!
"Kung wala yung kotse ni Carl pati motor ni Sam baka nag date yung dalawa— A-Aray!" nilingon ko si Zoe ng batukan niya ako. "Inaano kita?!"
YOU ARE READING
Behind her Eyeglasses (Part One)
FanficThe playboy - Tamang paikot lang sa utak ng mga babaeng gusto niya lang paglaruan pero ano kayang mangyayare kapag nakilala nya ang isang nerd na transferee sa Bethune City University? The nerd - Walang emosyon na ipinapakita sa muka at hindi lang s...