CHAPTER 3: UNEXPECTED INCIDENT

4.6K 249 4
                                    

CHAPTER 3: UNEXPECTED INCIDENT

Carl Phol POV's

"C-Carl, sorry hindi ko sinasadya." sinamaan ko ng tingin 'yung babaeng totoong nagpatid talaga sa akin.

Dahil sa kanya napahiya ako dito sa canteen, nadagdagan pa ng magsalita ang nerd na iyon sa akin. Ang yabang niya akala mo ay nakakatuwa ang ginagawa.

"Pagkatapos mo ko patirin at sinisi mo pa sa iba, magsosorry ka lang?" iritang salita ko saka naglakad palapit sa kanya. Ramdam ko pa 'yung sakit ng tuhod ko dahil sa pagkakabagsak sa sahig.

"Pre, tama na 'yan." awat sa akin ni Dave.

"Tsk, tara na nga. Baka magdilim pa ang paningin ko at makasapak ako ng babae." hindi ko na nagawa pang lingunin 'yung babae dahil sa inis.

Pumunta na kaming room para tapusin 'yung klase, sakto naman at nandun na 'yung magtuturo sa amin. Ilang oras ang dumaan ng matapos na ang klase na kahit isa ay wala akong naintindihan. Napansin ko ang paglapit sa akin nila Dave at James.

"Carl, okay kana ba?" nag aalalang tanong ni James na tinignan din ang tuhod ko.

"Oo, okay na ako, ako paba?" mayabang na sagot ko.

"Yabang, ah!" natatawang sabat ni Dave.

"Iyon kasi ang totoo."

Lumabas na kaming tatlo sa room. Dumaan muna kami sa locker para ilagay doon ang iilang gamit na tamad na naming iuwi. Matapos mailagay ang mga gamit ay bumaba na kami para umuwi.

"Yung nerd at yung kaibigan nya." turo ni Dave sa kung saan habang pababa kami ng hagdan.

"Tara sundan natin sila!" yaya ni James.

Nangunot ang noo kong' tinignan siya dahil sa inasal.

"Hahaha! Kailan ka pa naging stalker, pre?" pang aasar na tanong ni Dave sa kanya.

Kailan pa naging interesado 'tong si James sa tao. Sa nerd pa talaga siya nag gaganyan ah, kakairita.

"Dali na, ang aarte nyo." nagkatinginan kami ni Dave dahil ngayon lang kami sinigawan ng ganto ni James.

"Tara nalang, Carl. Sakyan na natin yung pagiging abnormal ng kaibigan natin." kamot sa ulong bulong ni Dave.

"Ano, Magtititigan nalang kayo d'yan?" sigaw na naman nya kaya agad kaming nagmadali bumaba ni Dave.

Nagpauna na kaming bumaba ni Dave kaya natawa siya. "Wait lang, hoy. Takot pala kayo sa akin."

Inis ko syang nilingon. "Bahala ka sa buhay mo, bilisan mo dyan!" asik ko sa kanya na ikinatawa niya lalo

Natanaw na namin si nerd at yung isa niyang kaibigan. Inantay na muna namin si James na bumaba ng hagdan. Siya ang nag aya nitong sundan ang dalawang babae pero nahuli naman siya sa pagbaba.

Behind her Eyeglasses (Part One)Where stories live. Discover now