CHAPTER 20: BASKETBALL
Carl Phol POV's
Apat na araw ang lumipas ng maging tahimik na ang campus college. Wala ng gulong nangyayare at pagpapaputok ng baril. Lahat ng estudyante ay naging tutok sa mga lesson dahil sa papalapit na exam.
Bulong-bulungan pa din sila nerd dito sa campus pero naging tahimik sila. Minsan ko nalang sila makita dito sa campus, wala akong ideya kung saan sila pumupunta para hindi kami maglandas ng daan. Sa apat na araw na dumaan hindi pa rin nawawala sa utak ko ang lahat. Sa totoong katauhan nila pati ang magandang babae na hindi ko na talaga nakita.
Nagpunta ako sa island bar nung isang gabi, nagbabakasakaling makita siya ngunit tumagal na ako ng ilang oras doon, hindi ko siya nakita. Maski isa-isahin ko ang mga babae ng gabi na 'yon ay hindi ko pa din naramdaman ang presensya niya.
"Guys punta na daw tayo sa court. Nandoon na daw si Ma'am." anunsyo ng class president namin na nagpabalik sa akin ng ulirat.
Sumabay ako sa kanila na inayos na ang mga gamit. Kasabay ko sila James at Dave lumabas ng room. Pagkarating sa gymnasium naabutan naming ang isang section na mukang P.E class din.
Pinaupo muna kami ni Ma'am. "Dito muna tayo class. Next tayo sa kanila, please be quiet!" salita niya na tinanguan ko lang.
"Yung tatlo 'yon diba?" turo ni Dave sa kabilang bench kaya napatingin kami ni James doon. Nanonood sila nerd sa mga kaklase nilang lalakeng nag babasketball.
Tinignan ko si nerd. Ngayon ko nalang ulit siya nakita sa dumaang apat na araw. May napansin akong pagbabago sa muka niya, hindi na siya yung mukang namumutla at parang tumino ang ayos ng muka niya ngayon maliban lang sa wala pa 'ding reaksyon ang muka niya.
"Girls, be ready. Next na kayo sa boys." salita sa kanila ng P.E teacher. Tutok lang ang mata ni nerd sa mga lalake at lumipat— sa akin!
Mabilis kong inalis ang tingin sa kanya at nagpanggap na nanonood sa mga kaklase niyang lalake. Gamit ang peripheral vision ko tumingin ako sa gawi niya. Napalunok ako ng hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa akin.
"Pre, nakatingin sayo si Sam." sinanggi ni Dave ang braso ko. "Nakangiti siya, pre!"
Napatingin ako bigla kay nerd dahil gusto kong makita ang pagbabago sa muka niya kapag nakangit kaso gago 'tong katabi ko. Hindi naman nakangiti si nerd.
"Siraulo ka, Dave." tinawanan niya lang ako.
Naalis na ang tingin sa akin ni nerd ng magsalita ang babae niyang kaklase. "Ma'am, sigurado ka po na pati kami magbabasketball?" takang tanong nito.
"Of course, aktibidad niyo yan sa akin kaya kailangan niyo gawin!" matapos niya sabihin 'yon ay pumito siya na senyales tapos ng maglaro ang boys. "Girls, pwesto na!" sigaw na hapyaw niya.
Sumunod silang lahat na babae sa utos, kita sa iba ang pagbusangot dahil ayaw nila pero napatingin ako sa tatlo na parang walang pake sa mangyayare.
YOU ARE READING
Behind her Eyeglasses (Part One)
FanfictionThe playboy - Tamang paikot lang sa utak ng mga babaeng gusto niya lang paglaruan pero ano kayang mangyayare kapag nakilala nya ang isang nerd na transferee sa Bethune City University? The nerd - Walang emosyon na ipinapakita sa muka at hindi lang s...