CHAPTER 11: FIRING GUN

3.5K 183 2
                                    

CHAPTER 11: FIRING A GUN

Carl Phol POV's

Nabalitaan ko ang nangyare kay Nicole na pambubully kanina. Pinuntahan ko siya sa lugar kung saan nangyayare pero naabutan ko na kasama niya 'yung nerd doon.

May balak na akong sumingit kanina sa kanila kaso mas pinili ko nalang ang pumunta sa room ni Vince para 'don antayin ang bunso kong' kapatid. Sa itsura palang 'nung tatlong lalake ay mukang natatakot na sila sa nerd na 'yon.

"Carl, bakit umalis agad tayo doon?" nagtatakang tanong ni James, patabi siya sa aking sumandal sa pader.

"Mukang natakot naman na sila kay nerd. Kakausapin ko si Nicole, pag punta niya dito."

"Ayan na si Nicole." nginuso niya ang hallway kung saan wala sa sariling naglalakad ito.

Anong iniisip nito?

"Nicole," tawag ko kaya 'ganon nalang ang gulat sa reaksyon niya ng tignan ako. Hindi niya siguro inaasahan na makita ako dito. "Come here." ngumuso ang labi niya saka naglakad palapit.

Wala siyang bitbit kundi ang bag niya lang. Mukang itinago niya sa loob ang cellphone na sinira 'nung kumag.

"Hi, kuya, hehe..." bakas ang pagkakailang sa pananalita niya.

"Pahiram ako ng phone mo," natutop niya ang labi, kamot ang ulong bigla siyang tumawa.

"Kuya, low battery, eh."

Umangat ang sulok ng labi ko sa pagdadahilan niya. "Give me your phone." pinanlakihan ko siya ng mata sa inis.

"Bakit mo ba hihiramin, kuya. May sarili ka namang phone." humaba ang nguso niya na mas lalo kong' kinainis.

"Nicole Ann, I said give me your phone." may diin ng salita ko. Kumilos siya para buksan ang bag at kinuha ang phone niya sa loob.

"K-Kuya..." kabadong salita niya iabot iyon sa akin. Basag na basag 'yung screen, halatang pang basura na.

"Oh shit, pre." hindi makapaniwalang salita ni Dave, sinuri niya ang bawat bahagi ng cellphone. "Oh shit talaga, pre!" umawang nalang ang labi ko sa nagiging reaksyon niya.

"What's happening here?" tumingin ako kay Vince ng lumabas ito na bitbit na ang bag niya. "Kanino 'yan?" turo niya sa basag na cellphone.

"Sa bunso nating kapatid,"

"What? Anong nangyare, bakit naging ganyan ang phone mo?" puno ng pagtataka niyang tanong kay Nicole. Nakayuko lang ito, walang maisagot.

"Binully siya sa campus namin, Vince." si James na ang sumagot sa tanong nito.

Magsasalita pa sana si Vince ng unahan ko na siya. "Anong mangyayare ngayon dito sa phone mo?"

Behind her Eyeglasses (Part One)Where stories live. Discover now