CHAPTER 18: OUTSIDER

3.5K 141 9
                                    

CHAPTER 18: OUTSIDER

Samantha POV's

Habang abala sa pagbabasa ng libro ay sabay na pumasok sila Alexa at Zoe. Pumwesto silang dalawa sa kung saan ang mapiling upuan, kaming tatlo lang ang andito sa room nasa labas ang lahat ng kaklase namin.

"Oy! Saan ka talaga galing kanina? Imposibleng kumain ka sa labas." mapaghinalang bungad na salita sa akin ni Zoe.

Tinago ko sa bag ang librong binabasa saka sila hinarap pareho. "Kumain nga lang," kita sa muka nila na hindi talaga sila naniniwala.

"Alam naming masama ang magutom sayo pero hindi ka naman patay gutom, Sam."

"Hindi kasi masarap ang pagkain sa kinainan natin kaya kumain ulit ako sa iba." pagpapalusot ko pa rin.

Hindi talaga ako kumain sa labas kanina. Sinundan ko yung dalawang lalake na naabutan naming sumisilip sa loob ng BCU, nakakapagtaka lang na walang tattoo sa batok o kamay nila pareho pero naiisip ko na baka ay nasa tagong parte ng katawan nila iyon nakatago.

"Talaga lang, ha? Pero naubos mo yung pagkain." nagmamalditang salita ni Alexa.

Napabuntong hininga ako, nag iisip ng mas maayos na palusot. "Hindi maganda sayangin ang pagkain kaya inubos ko."

"Sus, Sam, saan ka nga galingAnong ingay 'yon?" naagaw ng atensyon namin ang maingay na quadrangle. Napagpasyahan namin ang lumabas sa room upang tignan kung saan galing ang mga ingay na 'yon.

Kumunot ang noo ko ng makita ang mga lalakeng nasa gitna ng quadrangle. Hindi sila nakasuot ng uniporme pang BCU at hindi ko sila nakikita dito. Pero, namumukaan ko yung isa sa kanila na nakapwesto sa gitna.

"Mukang dayo lang ang mga lalake dito." salita ni Alexa habang tutok din ang paningin sa mga lalake.

"Halata naman," sa postura palang nila ay halata nang dayo.

Tinignan ko ang bawat ginagawa nilang kilos mas dumapo ang mata ko na nasa gitna ng damputin niya ang kwelyo ni Dave.

"Samantha, h-hinahanap ka 'nong mga lalake sa quadrangle." napalingon ako sa humahangos na estudyante ng tawagin niya ako.

Napapabuntong hininga akong tumango. "Tara, bumaba tayo." aya ko pero nginiwian lang nila ako pareho.

"Hayaan mo na sila, Sam. Baka mapapunta ka na naman sa dean office." nag aalalang usal ni Zoe na tinatanggi ang kamay sa harap ko.

"Baka mas manggulo pa sila pag hindi ako bumaba," seryosong salita ko. Kaya ko naman makipag usap ng maayos kung madadaan sila sa usapan pero kung gulo ang gusto nila, hindi ako makakapayag.

"Hays, sige, Sam." nawawalang pag asang sagot niya.

Nauna na akong bumaba at sumunod silang dalawa. May mga sumasalubong na estudyante sa akin sa hagdan para sabihin na hinahanap nga daw ako ng nagwawalang lalake sa baba.

Behind her Eyeglasses (Part One)Where stories live. Discover now