CHAPTER 5: BIGBIKE

4K 222 11
                                    

CHAPTER 5: BIGBIKE

Zoe POV's

Tumaas ang kanang kilay ko ng mapatingin din sa akin ang babaeng sumigaw nalang bigla pagpasok dito sa canteen. May kakapalan ang make up niya na mukang fake lang ang brand ng cosmetics na gamit niya, pero mas makapal pa pala ang muka niya.

Lumapit siya sa table namin, napansin kong' nakasunod sa likod niya 'yung babaeng sinampal ni Sam kanina dahil nanampal din naman ito. Hindi pa 'din sila nililingon ni Sam, tanging nakikiramdam lang sa paglapit nila.

"Bakit mo sinampal 'yung kaibigan ko?!" galit na tanong 'nung babaeng fake ang cosmetics na gamit.

Sa wakas nilingon siya ng kaibigan ko. Unang dumapo ang mata niya sa babaeng fake ang cosmetics tapos sunod naman sa babaeng sinampal niya lang kanina. Nagtaka ang muka ko ng makita na nakatakip ang kanang palad nito sa kabilang pisnge.

"Bakit ako tinatanong mo? Nauna siyang nanampal, gumanti lang naman ako." tila'y tinatamad na sagot nito.

Nagsimula na din kaming palibutan ng mga estudyanteng tsismoso't tsismosa. Kung hindi bully pagiging ganyan naman ang role ng iba. Grabe, ibang klase talaga ang estudyante sa paaralang ito.

"Nag sumbong siya sa akin na sinampal mo siya. Aira, ipakita mo sa nerd na 'yan yung pisnge mo!" tutok ang mata ko sa palad ng babae na nakatakip sa kabilang pisnge niya, kaya pala may patakip na nalalaman ang bruha.

"Ouchii..." nasasaktan kong' reaksyon ng makita ang pamumula parin sa pisnge nito ng alisin niya ang kamay sa muka. Halos sakupin na 'non ang muka niya. "Dapa't mag asawang sampal pala ang ginawa mo para buong muka na niya ang namamaga." komento ko at pinakita ang pagkakapresente ng upo.

Masamang tumingin sa akin 'yung babaeng fake ang cosmetic products tsaka ako tinaasan ng kilay. Hindi naman ako nagpatalo, tinaas ko din ang kilay ko na mas original kesa sa kanya. Halata pang eyebrow pencil lang ang gamit at hindi pa pantay.

"May kasama ka palang dalawang alalay, nerd?" salita nya na tumingin pa kay, Sam.

Ay, lintek 'to. Sa ganda kong ito sasabihan niya akong alalay? Mas muka pa nga siyang hampaslupa sa aming tatlo.

"For your information, na babaeng gumagamit ng fake cosmetics product, hindi ako alalay. Ang ganda ko naman palang alalay kung ganon."

"Yuck, sinong maganda?" nandiri pa ang muka niya na hindi naman bumagay sa kanya.

Nakakadiri, eww...

"Bakit ikaw yung sumugod dito? Di 'ba dapat 'yang kaibigan mo lang, kasi siya 'yung sinampal. So, ano ka babae, papansin lang?" nagpeke ako ng tawa para lalo siyang mainis.

Behind her Eyeglasses (Part One)Where stories live. Discover now