CHAPTER 46: THE PLAN
Samantha POV's
May hindi tama. Pansin ko na ang lahat ng kilos nung apat may kakaiba sa kanila, mukang may tinatago. Lalo na sila Carl at Sab, iba ang closeness nilang dalawa. Hindi naman sila ganyan dati at ilang araw palang sila nagkakilala.
Tapos na ang pagpapawis ko kanina. Nagpapahinga ako ngayon dito sa gilid habang nakatingin sa apat na seryosong nag uusap.
"Sam," tumabi si Zoe sa tabi ko. Isinandal niya ang ulo sa balikat ko. "May nalaman ako." binigyan ko ng simpleng tingin ang muka niya.
"Ano?"
"Mag pinsan pala sila James at Sab." hindi na ako nagulat. Kwenento na sa akin ni dad ang tungkol sa magkapatid sila Tito Jax at Tita Pearl. "Hindi ka 'ba nagulat?" umalis siya sa pagkakasandal sa balikat ko at humarap sa akin.
"Hindi. Nasabi na sa akin ni dad 'yan." ibinalik ko ang tingin sa apat. Wala na sila sa pwesto nila kanina kaya inilibot ko ang tingin sa paligid.
Asan na sila?
"May hinahanap ka, Sam?"
"Napansin mo ba sila Sab at yung tatlo?" nilibot ko pa ang tingin pero kahit anino nila ay hindi ko na nakita.
"Umalis na sila." itinuro niya yung pinto kaya tinignan ko siya.
"Samahan mo ko, susundan natin sila." hinila ko siya patayo kaya muntikan na siya masubsob.
Tumakbo kami palabas habang hawak ko pa 'rin yung braso niya. Naabutan namin yung kotse ni Sab na sinakyan nilang apat. Humarurot ito palabas ng garahe.
Bakit wala yung kotse nilang tatlo?
"Bakit, Sam? Nagseselos ka 'ba kela Sab at Carl." hindi ko siya pinansin. Lumapit kami sa motor ko kaya sumakay ako. Sinenyasan ko siya na umangkas. "May sarili akong motor, duh!" mabilis kong nilabas yung baril ko dahil sa kaartehan niya. "Ito na nga, pasakay na di 'ba."
Nang makaangkas na siya sa likod, ibinalik ko yung baril ko sa gun pocket at mabilis na pinaharurot paalis. Mabuti nalang hindi pa sila nakakalayo kaya nakahabol ako. Hindi ako masyadong lumapit dahil alam kong mapapansin nila kami.
Huminto ang kotse ni Sab sa tapat ng bahay nila Carl. Hininto ko ang motor medyo malayo sa kanila at sakto na makikita sila.
"Bakit hindi nalang tayo lumapit, Sam?"
Pagkababa nilang apat, pumasok si Carl sa bahay nila kasama si Sab. Yung dalawang natira naman ay papunta sa bahay ni Dave. Bumaba ako sa motor ko ng wala na sila.
Anong meron kela Carl at Sab?
"Sam, feeling ko lang, ha. Mukang nag d-date sila Sab at Carl. Hindi lang sinasabi sa atin." hindi ko pinapansin ang pinuputak ng bunganga ni Zoe, dumadagdag lang sa inis ko ang sinasabi niya.
"Nandito na yung apat, boss. Kasama ni Montermoso si Gillis sa bahay nila habang kasama naman ni Garcia si De Leon." nagkatinginan kami ni Zoe ng may marinig kaming tinig ng lalake.
YOU ARE READING
Behind her Eyeglasses (Part One)
FanfictionThe playboy - Tamang paikot lang sa utak ng mga babaeng gusto niya lang paglaruan pero ano kayang mangyayare kapag nakilala nya ang isang nerd na transferee sa Bethune City University? The nerd - Walang emosyon na ipinapakita sa muka at hindi lang s...