CHAPTER 25: 45 PISTOL
Samantha POV's
Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon dahil sa masakit parin yung paa ko at sa nangyareng away sa amin ni Alexa kagabi. Tama nga naman siya na kaibigan ko sila at kailangan ko sabihin yung mga ganong bagay na nangyayare sa akin.
Ngunit anong ginawa ko? May pagkakamali ako alam ko 'yon pero sasabihin ko naman sa kanila ang tungkol doon kapag nalaman ko na kung sino ba ang nag me-message sa akin ng ganon.
"Iniisip mo ba si Alexa?" mahinang bulong sa akin ni Zoe. Pinagigitnaan namin siya ngayon ni Alexa na tahimik lang sa gilid.
Hindi siya sumabay sa aming kumain at pumasok. Tanging si Zoe lang ang kinakausap niya at hindi niya akong magawang tignan. Galit talaga siya sa akin.
"Hindi ko inaasahan na matitiis niya akong hindi kausapin." binalingan ko ng tingin si Alexa na walang pake sa amin.
"Hayaan na muna natin, Sam. Nag aalala lang siya sa mangyayare sayo kaya ganyan." mahina niyang tinapik tapik ang braso ko.
"Naiintindihan ko." simpleng sagot ko at ngumiti ako ng bahadya sa kanya.
"Naks, ngumingiti ka na ah!"
"Tss." hindi ko na siya pinansin pa ng pumasok na ang magtuturo sa amin.
Habang nakikinig sa discussion ni ma'am hindi mawala sa utak ko kung paano ang gagawin paraan para magbati kami ni Alexa. Sa tagal na pagkakaibigan namin ngayon lang kami nagkalabuan ng ganto.
Kahit maldita o mataray si Alexa marunong siyang makipagkumbaba para hindi umabot sa malaking gulo kaso sa nangyare kagabi nagalit siya. Mahahalata na sa bawat bitaw ng salita niya na mabigat ang pakiramdam niya sa akin.
Dumaan ang mahigit na oras ng wala parin akong maisip na paraan. Ilang teacher's na ang pumapasok sa room para magturo pero wala pa ding pumapasok sa utak ko. Hindi ako sanay sa mga gantong bagay at ayoko ng ganto.
Tumunog ang bell na senyales lunch break na. Kakalabas palang ni sir ng mapalingon ako kay Alexa na nanguna ng lumabas. Napabuntong hininga ako sa ginawa niya, hindi lang simpleng galit siya sa akin.
"Hindi man' lang tayo inantay!" pagmamaktol ni Zoe ng isukbit niya ang bag sa balikat.
"Sundan nalang natin." simpleng salita ko. Nakaalalay pa rin sa akin si Zoe kapag maglalakad ako, masyado kasing concern baka daw tumama sa kung saan.
Pagkarating sa canteen hinanap ng mata ko si Alexa. Nasa dulong table siya na pwestuhan na namin, mag isang nag uumpisa na siyang kumain. Nagulat ako ng marahan akong tinulak ni Zoe para senyasan na maglakad papunta kay Alexa.
"Alexa dito kami makiki-table, ha." nakangiting salita ni Zoe ng makalapit.
Walang tingin sa amin na tumango siya. Bumulong si Zoe na siya ang oorder ng pagkain naming dalawa. Pagkaalis niya umupo ako sa harap na upuan pero wala pa 'ring sulyap na tingin ang ginawa sa akin ni Alexa.
YOU ARE READING
Behind her Eyeglasses (Part One)
FanfictionThe playboy - Tamang paikot lang sa utak ng mga babaeng gusto niya lang paglaruan pero ano kayang mangyayare kapag nakilala nya ang isang nerd na transferee sa Bethune City University? The nerd - Walang emosyon na ipinapakita sa muka at hindi lang s...