CHAPTER 58: GOODBYE

2.6K 121 10
                                    

CHAPTER 58: GOODBYE

Samantha POV's

Sa tingin ko alam na ni Carl na aalis ako. Masakit 'nong nakita ko yung luha niya kanina habang nakatitig siya sa akin. Madami siyang naiisip na alam kong ako din ang dahilan.

"Nasaan ka na 'ba?" tanong ko sa sarili habang nililibot ang tingin sa bawat madadaanan ko. Kanina pa ako paikot ikot pero hindi ko talaga nakikita ang kotse niya.

Inihinto ko ang motor ko sa gilid ng maramdaman ang pag vibrate ng phone ko. Message galing kay Dave.

Dave: Nandito siya sa bahay nila. Nagkukulong sa kwarto niya.

Mabilis kong itinago ang phone sa bulsa at agad na minaneho ang motor papunta kela Carl. Kailangan ko siya makausap dahil mamaya na ang flight ko papuntang London.

Pagkadating ko sa harap ng bahay nila nakita kong nasa labas sila James at Dave. Mukang inaantay din nila ako, bumaba ako sa motor ko at naglakad palapit sa kanila.

"Gusto niya daw mapag isa." bakas sa boses ni James ang panghihinayang ng sabihin ang salitang iyon.

Wala ding alam ang dalawang 'to na aalis ako. Yung iba naman ay alam na nila dahil sinabi ko pero ang dinahilan ko ay magbabakasyon lang muna ako para mapahinga ang utak kong na stress sa mga kalaban.

Pinaniwalaan nila akl dahil hindi na sila nag tanong pa ng kung ano ano. Hindi ko din sinabi kung saang bansa ako pupunta. Tanging si Sabrina lang talaga ang may alam ng lahat.

Kasama sa deal namin ni Dryle na wag ako mag babanggit sa mga kagrupo o pamilya ko. Kaya kay Sab lang talaga, mapagkakatiwalaan ko siya. Lalo na sa kanya ko ipinagkatiwala ang lalakeng mahal na mahal ko.

Ano ba kasi talagang plano ni Dryle?!

"James, Dave," sabay silang napatingin ng banggitin ko ang pangalan nilang dalawa. "Aalis ako." kumunot ang noo nila pareho na parang hindi ako naintindihan.

"Saan ka naman pupunta?" takang tanong ni Dave.

Bumuntong hininga ako bago ulit nagsalita. "Malayo. Kailangan ko muna mag bakasyon." pagsisinungaling ko na naman ulit.

"Sa ibang bansa ba?" tanong niya ulit kaya tumango ako.

"Kaya ba naging ganon si Carl kasi aalis ka, iiwan mo siya." natigilan ako sa sinabi ni James. Parang sinampal ako ng mga salita niya.

Oo aalis ako pero hindi ko naman siya iiwan kasi babalik ako. Babalikan ko siya.

"Hindi ko sya iiwan, babalik ako." mahinang naging bulong ko. "Sana maintindihan niyo ako." tumingin silang dalawa na bakas na din ang lungkot sa mga mata nila.

"Kailan ka aalis, Sam?"

"Mamayang gabi." nagulat sila sa naging sagot ko.

"Hindi ba pwedeng bukas nalang, Sam? Antayin muna nating maging okay si Carl." kung pwede ko lang itigil 'to gagawin ko. Kaso hindi ganon kadali 'yon.

Behind her Eyeglasses (Part One)Where stories live. Discover now