X : Death Note

898 54 2
                                    

─── A Z U R A ───

Hindi talaga ako makapaniwala na kapitbahay namin si Cerl. Para lang akong nananaginip but it was all true! It's not a daydream nor an imagination! Ready na akong pumasok papuntang school at paglabas ko ay nakita ko si Cerl na nasa labas narin ng bahay nila. Inalis ko sa pagkakatali ang bike ko at sumakay dito.

"Azusa" he called me out kaya tumingin naman ako sa kaniya with a curious look, "Pwede ba akong makisabay?" he doesn't sound so pleased and it's more than of a command.

"Why would I? You always got my name wrong" pagmamatigas ko. Hindi ako sanay na may kasamang pumapasok sa school kaya ayoko siyang isabay.

"Okay but don't blame me if these photos of yours got viral" pangba-blackmail niya sabay pakita ng mga pic ko na sobrang jeje.

"How did you get those? Are you one of my stalker?" bigla akong na-triggered sa mga photos na ipinakita niya.

"It doesn't matter anymore" he replied with a smirk.

I rolled my eyes and said, "Okay fine, you win" ano pa nga bang magagawa ko? May mga alas siya laban sa akin.

Sumakay siya sa backseat ng bike ko at sinimulan ko ng magpidal. Hindi paman din kami nakakalayo ay bigla siyang nagsalita.

"Can you please ride a little bit faster? You're like an old woman riding a bike" he insulted in a monotonous voice.

Gustong gusto ko talaga siyang itulak o di kaya'y ipabundol sa mga nagdaraang sasakyan dahil sa inaasta niya. Siya na nga lang itong nakikisakay siya pa ang may ganang mang lait. Ghad, I can't understand this guy!

Mabuti na lamang at hindi ganoon kalayo ang school mula sa bahay namin dahil kung hindi baka di ko na mapigilan ang sarili ko at nabatukan ko na ang lalaking 'yun. As soon as we arrived in the school ay nagmadali akong lumakad para makalayo sa kaniya. Iniwan ko ang bike ko sa may bike area kung saan nakapark kuno ang mga ginagamit na bike ng mga students.

Noon ding umagang 'yun ay napag alaman namin na naisauli na ang golden book at ngayo'y nakadisplay na ulit ito sa library. Wala namang ibang nakaalam na nawala 'yun maliban sa amin at sa mga student council. Pagdating ko sa clubroom namin ay busy sa pag-ta-type  sa laptop si Viridian. Kaliwa't kanan ang tunog ng ginagawa nitong pagtitipa. Samantala, sina Sienna, Cole at Roux ay naglalaro ng scrabble sa may sahig.

"Good morning" bati sa akin ni Sienna ng hindi ako tinitignan.

"Morning" I greeted back as I sat in the couch near them.

"Sa wakas!" masayang wika ni Viridian sabay unat na para bang bagong gising. Isinaksak niya ang printer sa laptop at sinimulan nitong i-print ang mga ti-nype niya.

Magtatanong sana ako kung ano 'yun ng makita kong ilagay niya ang mga bond paper sa isang long folder na may nakaprint na title sa may gilid nito which says The Case of the Stolen Book at isinilid niya ito sa drawer katabi ng iba pang mga makukulay na folder.

With that, the question I have in my mind has been answered. Siya ang nagsisilbing author ng librong aming kinapapalooban. Lahat ng naging experiences namin all throughout the case ay nakasulat doon. Parang narrative report sa isang subject sa school.

Biglang tumunog ang telepono ng club namin. Ako na ang nag prisinta na sumagot tutal mukhang wala naman silang balak. I stood up at lumapit sa kinaroroonan ng telepono.

"Hello?" pambungad na sabi ko sa kabilang linya.

"Azura, right?" a familiar voice replied. It's Yohan.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon