LVII : Case Closed

657 42 9
                                    

Bago ko pa man tuluyang maalis ang nakataling lubid sa kamay ni Azura ay hindi ko namalayang nakatayo pala si Bros kaya naman nasaksak niya ako sa may likod ko. Dinaing ko ang sakit pero hindi ako pwedeng tumigil. Sasaksakin niya pa sana ako ng isa pang beses ng mahawakan ko ang kamay niya.

"You can't kill me!" I scowled.

"I can!" Masayang wika niya. Mukha talaga siyang sinaniban ng masamang espirito.

Nanghihina na ako pero pinilit ko paring manlaban. Patuloy kong pinipigilan siyang saksakin ako hanggang sa tumama sa may mukha niya ang tulis ng kutsilyo. Nadaplisan siya sa mukha. Isang mahabang sugat ang kaniyang natamo. Mas lalo siyang nagalit ng dahil doon.

"You're arrested Blu Richmond Serrano! Drop that weapon kung ayaw mong mas lumala pa ang kasong isasampa sayo!" sigaw ni Inspector Benitez. Pinalibutan kami ng mga pulis habang nakatutok ang mga baril na hawak nila sa gawi ni Bros.

Mabuti na lamang at dumating narin ang mga pulis maging sina Roux, Cole at Viridian.

"Sumuko kana! Wala ka ng takas ngayon!"

"Ipuputok namin sayo 'to kapag hindi ka pa huminto sa ginagawa mo!"

Binitawan niya ang kutsilyong pinag aagawan namin at itinaas niya ang kaniyang mga kamay. Nilapitan siya ng mga pulis at pinosasan. Nilapitan ako ni Cole samantalang sina Roux at Viridian naman ay nagpunta sa kinaroroonan ni Azura.

"Ayos ka lang ba Cerl? Pasensya na kung nahuli kami ng dating," nag-aalalang tanong ni Cole.

"It doesn't matter at least nahuli parin si Bros," I said in relief.

"Tulungan niyo kami rito, mukhang wala ng pulso itong si Azura," anunsiyo ni Roux na nakatayo malapit kay Azura.

"We need to bring Azura to the hospital. She's been losing a lot of blood! Call the ambulance!" binuhat ko si Azura palabas ng clubroom samantalang sinundan naman ako ng mga kasama ko.

Mabilis na rumesponde ang ambulansya kaya ipinasok na nila sa loob nito si Azura para dalhin siya sa ospital. Hold on Azura, everything will be fine. Nararamdaman ko parin ang sakit ng saksak na natamo ko mula kay Bros.

"May sugat ka you need to be cured. Pumasok ka narin sa loob. Kami na ang bahala rito" nag aalalang sabi ni Cole.

Tumango ako at pumasok narin sa loob ng ambulance. Bago isara ang pinto ay nakita ko pang kinakaladkad ng nga pulis si Bros papasok ng police car. Nagpupumiglas pa ito at nagpapaliwanag.

"Hindi niyo pwedeng gawin ito sa akin! Marami kaming pera! Sisiguraduhin kong magbabayad kayo sa lahat ng ginawa niyo sa amin ng kapatid ko!" galit na sigaw ni Bros.

"Sisiguraduhin din naming mabubulok kayong dalawa sa kulungan!" palaban na sabi ni Viridian.

"Doon na kayo maninirahan habang buhay!" galit na sabi ni Roux.

Maging si Sienna ay inaresto rin ng mga pulis dahil kasabwat siya ng kaniyang half brother.

"Kuya! Tulungan mo ako! Bitawan niyo ako please lang!" pagpupumiglas din nito habang kinakaladkad siya ng mga pulis. Nang maipasok na ang magkapatid sa police car ay isinara na ang pinto ng ambulansya at umandar na ito.


















































Nang imulat ko ang aking mata ay bumungad sa akin ang puting kisame. Oo nga pala, nasa ospital ako. Nang gumalaw ako ay kumirot ang sugat sa aking likod. Bumukas ang pinto at pumasok sa loob sina Viridian, Cole at Roux. May dala silang basket ng prutas.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon