XVI : Camping Trip

735 51 7
                                    

─── A Z U R A ───

"I-ikaw a-ang n-nag text nito?" hindi makapaniwalang sabi ko. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko.

"Kakasabi ko pa nga lang hindi ba? Are you sure hindi mo talaga maintindihan ang text message na 'yan? Are you making me laugh? Basic" pabalang na sabi niya at pagmamayabang niya.

"Sa tingin mo ba kung naiintindihan ko ang ibig sabihin nito magtatanong pa ako sayo?" I said in a common sense tone.

"Read it simple, nevermind the spelling and you will get the message" payo niya kaya naman sinubukan kong gawin.

I read the message multiple times. Pinagmadali kong basahin ang mga words as if magkadikit sila at konti nalang mag rap na ako and then a realization came to me. APOLLO GEE? No! It's APOLOGY!

"Apology?" tinignan ko siya ng mata sa mata.

Umupo siya ng maayos at tinitigan din ako ng mga jet black eyes niya, "That's what I want to say to you before the bell rang. I'm sorry for pulling a prank on you. Hindi ko inisip ang mararamdaman mo. My apologies, I hope you will forgive me" he muttered in a sincere and apologetic tone.

Hindi naman talaga ako ma-pride na tao kaya bakit hindi ko naman i-a-accept ang sorry niya? Besides iniligtas niya rin naman ako kagabi. If it weren't for him malamang hindi ko na masisilayan ang pagsikat ng araw.

"Apology accepted" I replied with a smile plastered in my face.

"Narito na ako!" sabi ni Sienna habang binubuksan niya ang pinto.

Tumayo na ako at tinulungan siya sa mga dala niyang pagkain. Inilapag namin ang mga 'yun sa mesa at saka nagsimulang kumain. Pagkarinig namin sa school bell ay bumalik na kami sa aming mga classroom. Nakakapagtaka nga lang at wala ang tatlong kasama namin. Hindi man lamang sila pumunta sa clubroom. Mabuti na lamang at mabilis na lumipas ang araw. Pagkauwi ko sa bahay ay kaagad kong inayos ang mga gamit na dadalhin ko para sa tatlong araw na camping namin.

Kinaumagahan bago paman mag-alas sais ay umalis na ako ng bahay. Nakasabay ko pa sa paglalakad si Cerl papuntang school. Pagdating namin sa school ay marami ng mga students na naghihintay sa bus na susundo sa amin. Pinuntahan ko ang mga kaklasi ko dahil sila ang makakasama ko sa bus. Hindi naman kami ganoon karami dahil tig-iisang section lang naman ang mayroon kada strand. Isang section para sa ABM, GAS, HUMSS, STEM at dalawa sa TVL.

Pagdating ng mga bus ay pinagpila na kami in alphabetical order. Nagkaroon ng roll call para malaman kung sino sino pa ang wala at kung kumpleto na ba. Pinapasok na kami sa loob ng bus at naghanap na kami ng puwesto. Naupo ako malapit sa bintana at ang katabi ko naman ay si Claire. Nang masiguro ng aming pe teacher na kumpleto na kami ay iniwan niya na kami at pinaandar na ang bus na sinasakyan namin.

Sa lahat yata ng bus na inarkila ng aming school ang amin ang pinaka-maingay. Parang bata kasi ang mga kaklasi ko. It seems like they are elementary students who are having a field trip. Napaka-energetic nilang lahat. Nagdala pa talaga sila ng speaker para mag soundtrip. Nakiki-sing along sila sa mga kantang tumutugtog. Dahil matagal pa naman ang byahe ay inaliw namin ang mga sarili namin sa pagkain ng mga sitsirya na baon namin pati narin sa pakikinig sa mga kanta. May mga iba namang natutulog dahil mukhang napuyat yata sila sa sobrang pagka-excite. Wala naman kaming tour guide dahil hindi naman field trip ang activity namin kundi camping.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon