XXVII : Let The Hunting Games Begin

702 46 3
                                    

─── A Z U R A ───

Dali dali kaming lumapit sa treasure chest na nakatago dito sa loob ng aming clubroom. Tinanggal ni Cerl ang nakabalot na puting tela sa baul at binuksan niya ito. Mga litrato ang bumungad sa amin. Not just any ordinary pic, dahil ang mga larawan na ito ay nagpapakita ng pagiging detective namin. Ang unang limang larawan ay nakuhanan noong nagdededuction show si Cerl dito sa clubroom. Ang unang kaso na kasama nila ako noong pinapanood namin ang nangyayari sa library mula dito sa clubroom. Sa mga sumunod na larawan ay noong nag-knight hunting kami. Ang iba naman ay noong nasa Forestville kami at nag iimbestiga. Walang nakaimik sa aming anim matapos makita ang mga larawan. Lahat kami ay nagulantang.

"P-paano niya nakuhanan ang mga larawan na 'yan?" nauutal at may takot na sabi ni Cole.

"Imposibleng may nakakaalam ng lahat ng mga ginagawa natin, wala tayong sinasabihan na kahit sino sa tuwing nag iimbestiga tayo at nagiging detective"  hindi makapaniwalang sabi ni Viridian.

"Isa lang ang ibig sabihin nito" all heads turned to the direction of Cerl, hinihintay ang kasunod na mga katagang sasabihin niya "He's one of us" he sound so convinced.

"What?!" I exclaimed in disbelief "Walang makakagawa sa atin ng ganyang bagay" I retorted. 

"Walang nakakaalam ng sikreto natin maliban sa atin at kay Yohan. Sa tuwing ginagampanan natin ang ating duty bilang isang detective tayo tayo lang ang naroon at wala si Yohan. Kung palaging may picture ang Anonymous na 'yun sa atin it means kasama natin siya. Kung nasaan tayo, naroon din siya" seryosong paliwanag ni Cerl.

"So that means sa akin mapupunta ang hinala ninyong lahat? Dahil ako lang ang marunong sa code?" biglang singit ni Roux sa eksena. I can see sadness in his eyes at ganoon narin sa tono ng pananalita niya.

"At maaari ring ako dahil ako ang kumukuha ng mga larawan sa tuwing nag sosolve tayo ng cases for documentary" Sienna pointed out.

"No, not you Roux at mas lalo na ikaw Sienna dahil wala naman sila noong naroon tayo sa Forestville. Ibig sabihin iisa sa ating apat si Anonymous. It maybe me, Azura, Viridian or Cole" pag aakusa ni Cerl. Sa dating niya ay parang tiwala siya sa kaniyang sarili na tama ang hinala niya.

"So dahil tayong apat nalang ang natitira, it must be me? Dahil palagi nalang ako ang nakakakita at nakakatanggap ng mga cards?" I said in sarcasm. I can't believe what's happening right now.

"I didn't say anything, ikaw ang nagsabi niyan" pilosopo niyang sagot.

"Naniniwala ka talaga sa intuition mo na 'yan? Don't you trust us? Hindi naman kami gagawa ng ganiyang ka-ridiculous na bagay! Tayo tayo ang magkakampi rito. Maglolokohan pa ba tayo?" I said in a half shout tone para naman magising siya sa katotohanan. I can't believe this man. Ang sarili niya lang ang pinaniniwalaan niya. Nagawa niya pa talaga kaming paghinalaan kahit na matagal niya ng kasama ang apat sa amin maliban sa akin na bago palang.

"Azura is right, hindi isa sa atin ang kalaban rito. It must be someone outside this clubroom. Hindi naman tayo mga baliw na i-cha-challenge ang mga sarili natin" mahinahong katwiran ni Cole. Mabuti naman at may pumanig sa akin.

"Don't worry I was just joking"

Mabuti nalang at napigilan namin ang mga sarili naming masapak siya. It's not the perfect time for joking! The ambiance is serious kaya bakit niya naisipang mag-joke sa ganitong kalagayan. Mas okay na siguro 'yun kaysa naman sa totoo niya kaming pinaghihinalaan. Makakahinga na kami ng maluwag.

"Let's wait for his/her next move. He/she must have something up in his/her sleeves" he said while his hands are inside his pockets.

"Tutal oras narin naman why don't we go home na? Bukas nalang natin ituloy ang pagpa-practice" suhestyon ni Sienna.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon