XLVI : The Secret of the Past

494 34 1
                                    

"Game over Unknownimous! We won!" masayang sabi ko habang nakatutok parin sa kaniya ang ballpen na hawak ko.

"Sorry Azura, but you need to have some sleep" he smirk at me.

"What are you talking about?" nagtatakang tanong ko. Bigla nalang akong nakaramdan ng pagkahilo at panlalambot kaya naman nabitawan ko ang ballpen na hawak ko at nahulog ako sa sahig. Unti unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

Ang huling nakita ko ay ang paglapit sa akin ni Yohan aka Unknownimous. Hinawakan niya pa ang cheek ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

─── C E R L ───

"Wala pa ba si Azura?" nagtatakang tanong ni Cole pagkapasok niya ng clubroom. Narito na kaming lahat maliban kay Azura. Nasaan na ba siya?

"Sinubukan ko na siyang tawagan ng makailang beses pero nakapatay ang phone niya" answered Viridian, worried.

"Pinuntahan ko narin ang classroom nila pero wala siya dun" nag aalalang sambit ni Sienna.

"I asked the security guard pero hindi niya raw napansing lumabas ng school premises si Azura. Hindi rin nakalagay ang pangalan niya sa logbook ni manong. Saan ba siya nagpunta dito sa school?" nagtatakang tanong ni Cole.

"Sa tingin niyo ba may masama ng nangyari sa kaniya?" we all turned to Roux who is seriously speaking.

"How about you hack the cctv cameras? Let's see kung saan siya nagpunta dito sa school" I suggested to Cole.

Inilabas niya ang laptop niya at nagpipindot ng kung ano ano. Lumitaw lahat ng cctv footage sa school. Isa isa naming tinignan lahat ng footage baka sakaling makita namin si Azura pero hindi siya nahagilap ng cctv. Inilipat ni Cole ang footage sa third floor malapit sa stairs.

"That's Azura!" Sienna exclaimed sabay turo sa naglalakad na si Azura na biglang nakabungguan ng mga nagtatakbuhang estudyante.

Sinundan namin siya hanggang sa makita namin kung saan siya huling nagpunta.

"Sa office ni Yohan" I whispered.

Pagkatapos kong mapanood ang huling footage ay dali dali akong lumabas ng clubroom at tumakbo papunta sa office ng kaibigan ko. Anong ginagawa niya dun? Bakit hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik ng clubroom? Kapag may nangyaring masama sa kaniya hindi ko mapapatawad si Yohan.

Pagkarating ko sa tapat ng pinto ay kumatok ako ng malakas.

"Open the door immediately or I will break it?" singhal ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Yohan na mukhang nagulat pa ng makita ako.

"What's the matter?" nagtatakang tanong niya.

Hinablot ko ang kwelyo ng damit niya kaya mas lalo siyang nagulat.

"Where's Azura?" nangangalit na tanong ko habang hawak ko parin ang kwelyo niya.

"She's at the clinic. Nawalan siya ng malay kanina ng pumunta siya rito kaya dinala ko siya doon" paliwanag niya.

"Did you do something to her?!"

"Bakit ka ba nagagalit sa akin? I'm telling you the truth. Nahimatay siya dahil mataas ang lagnat niya. If you don't want to believe me then ask the nurse yourself" confident niyang sagot.

"Just make sure that you're telling the truth" binitawan ko na ang kwelyo niya.

He chuckled, "Don't tell me you have feelings for her? Oh, that explains why you're so worried about her. I've never seen you act this way before" nakangiti pa siya ng nakakaasar.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon