XXXV : The Secret Tale of Snow White (Poisonous Apple)

558 41 5
                                    

─── A Z U R A ───

"What do you mean by that?" naguguluhang tanong ko kay Cerl.

"Gawa gawa niyo lang ang booth na ito hindi ba?" malamig na tugon ni Cerl.

Gulat na tumingin ang lahat kay Cerl animo'y hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.

"Hindi mo ba napansin?" he said while shooting a sideward glance to me which causes me to shrugged my shoulders so he went on with his explanation "Kumpara sa ibang booth na nakatayo rito ay mas malaki ang space ng sa inyo. If you'll look at how small the space of the other booths are malalaman mong ang inyo ay kakaiba. Hindi niyo ba alam na may patakaran ang student council na ang mga booth ay dapat sumunod sa isang certain space? I bet you don't know about it because you didn't ask for the permission of the council at dahil ang purpose lang ng booth niyo ay ang mapagbati ang LQ na couple alam niyong hindi i-a-approve ng council ang walang kwentang booth niyo" litanya ni Cerl habang madiin ang pagbabanggit sa bawat salita.

"How dare you para sabihing walang kwenta ang booth na 'to!" nanggigigil na sabi ni Robin habang nanlilisik ang kaniyang mga mata. Susugurin na nga sana niya si Cerl mabuti nalang at pinigilan siya ng mga kasama niya.

"Tama ka, hindi nga totoong booth ito. Itinayo namin ito para kina Robin at Vera. But how did you know that it wasn't real aside from the space?" may pagtatakang tanong ni Ruby.

"Yun ay dahil sa mga students na nagtangkang pumasok kanina rito. As far as I could remember there were six of them, gusto sana nilang i-try ang booth niyo but you, Ruby drove them away. Wala naman sigurong booth na magtataboy ng mga costumers nila hindi ba?" Cerl reasoned out. Siguro napansin niya kanina bago siya pumunta ng clubroom.

"That's true" patango tangong sagot ni Ruby.

That leads us to the point where one of them is the culprit na hinahanap namin dahil they planned this booth from the start. But who? There's a big possibility that it is Ruby dahil siya ang nag ayos ng mga props na gagamitin maaaring siya ang naglagay ng poisonous apple sa basket. Pero kung iisa lang ang apple na may poison ibig sabihin there's a lower chance na ito ang maibibigay ni Rebecca kay Vera. What if all the apples inside the baskets have poison? In that way kahit ano mang apple ang makuha ni Rebecca ay hundred percent sure na mamamatay si Vera. But Rebecca could be a culprit as well, dahil siya ang mag aabot ng apple kay Vera malamang siya rin ang naglagay ng posion sa apple at hindi siya magkakamali sa pagkuha nun dahil siya mismo ang may gawa nun. Ugh, this quite hard. How about if the both of them are the culprit? Sinabi ni Ruby kung ano sa mga apples ang may poison at yun ang iniabot ni Rebecca. But I need to confirm my hunch. My gaze shift to the basket that Rebecca's holding.

"Rebecca, can I have some of your apples?" walang pag aalinlangan na tanong ko. I need to catch them off guard para malaman ko kung talagang tama ang deduction ko.

They all seemed startled ng sabihin ko 'yun pero kakaiba ang naging reaction ng dalawang babae. Rebecca's eyes widened and so does Ruby. Gotcha!

"S-sigurado ka? Hindi tayo nakakasiguro kung may poison din ang mga ito o wala. Baka mangyari rin sayo ang nangyari kay Vera" nahihintakutan na tugon ni Rebecca while stuttering.

"Mabuti pa siguro kung itago mo na 'yan Rebecca ayaw nating may sumunod kay Vera, hindi ba?" pasimpleng sabi ni Ruby para maitago nila ang kanilang ginamit na weapon.

"No, i'm serious. May I have some?" nakangiting sambit ko.

Sweat began forming in Rebecca's forehead. Mukhang nababahala na siya. I can also see a hint of anxiety in her face. May itinatago nga ba sila? Pwede naman nila akong bigyan ng isang apple kung ordinaryong apple lang ang mga nasa basket. Nagulat nalang ako ng biglang kumuha ng isang apple si Cerl mula sa basket na hawak ni Rebecca at kinagat ito. Lahat kami ay napanganga sa ginawa niya. What the hell! Balak niya bang magpakamatay?

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon