II : The Mysterious Guy

1.3K 65 2
                                    

─── A Z U R A ───

Pagkatapos naming makapag-ayos ni Claire ay nagpaalam na siyang aalis na dahil pupunta pa raw siya sa Journalism Club. Ako naman ay nagtungo sa lokasyon kung saan matatagpuan ang bulletin board. Kasalukuyan akong bumababa ng hagdan papuntang ground floor ng biglang may lalaking nagmamadaling umaakyat ng hagdan. Mabuti na lamang at hindi niya ako nakabungguan kundi ay malalaglag lahat ng hawak niyang papel. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy ngunit may nakakuha ng atensyon ko. May nahulog na papel sa tabi ng hagdan malamang ay galing ito doon sa lalaki kanina. Pinulot ko ang papel at tinignan kung ano ito.

🎼 MUSIC CLUB 🎶


If you are good in singing, composing and you can play any instruments, you can join our club!

Requirements: Bring your own instruments and prepare for a short performance

Where: Room 101, 3rd floor, East wing
When: Anyday during class break or after class

Good luck musicians!

🎻🎹🎷🎸🎺

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nabasa. Ito na nga ang hinahanap ko! Ang pakay ko kung bakit ako pumupunta sa may bulletin board. Bigla kong naalala ang sinabi kanina ni Claire.

"Kung gusto mong makita ang flyer nila pwede kang pumunta sa may ground floor, nakapaskil 'yun sa may bulletin board"

Dahil kusang lumapit sa akin ang hinahanap ko hindi na ako nag aksaya pa ng panahon na pumunta sa may bulletin board. Para saan pa? Maaga pa naman at mayroon pa akong trenta minutos napag isipan kong hanapin ang clubroom ng music club. Nagtungo ako sa third floor ngunit laking gulat ko ng wala akong makitang mga estudyanteng nagagawi roon. Dapat ay marami ng nakapila roon katulad ng sa  ibang mga club pero ni isa ay wala akong makita.

Hindi ako pumunta para magpakita sa kanila gusto ko lamang tignan kung may ibang interesado ring sumali sa club nila. Gayunpaman, hindi nagbago ang desisyon kong sumali sa club na iyon. Sana lamang ay tanggapin nila ako.

Pagpatak ng alas tres ng hapon umalingawngaw na ang tunog ng bell sa loob ng paaralan tanda na uwian na. Tutal malapit lang naman ang bahay namin sa school napagpasyahan ko munang mag stay sa school library para magbasa ng mga libro patungkol sa music baka sakaling makakita ako ng magandang piece na pwede kong iperform bukas.

Umuwi na ako ng mga bandang alas singko ng hapon. Palubog na ang araw at nakabukas narin ang mga street lights na nagbibigay liwanag sa daan. Habang tinatahak ko ang daan papuntang bahay namin bigla akong nakarinig ng putok ng baril. Napakalakas. Mukhang malapit lang iyon sa lugar na ito. Out of curiosity, nagmadali akong tumakbo at kusang hinanap kung saan nanggaling ang tunog na iyon. Nang matagpuan ko ang lugar kung saan ko narinig ang malakas na pagputok ng baril kanina, may nakita akong limang mga lalaki. Nakajacket silang lahat ng kulay itim at dahil medyo pagabi na at hindi nasisinagan ng araw ang parte ng gusali kung saan sila nakatayo hindi ko maaninag ang kanilang mga mukha.

Biglang napunta ang atensyon ko sa lalaking nakahandusay sa sahig. Napatakip ako ng aking bibig. Marahil siya ang naputukan ng baril kanina. Mabuti na lamang at madilim dito kundi ay mahihimatay na ako kung sakali mang makita siyang naliligo sa sarili niyang dugo. I am a hemophobic person, takot ako sa dugo at kapag nakakakita ako ng dugo nag-fa-faint ako. Hindi ako nagdalawang isip na kunan sila ng video para kung sakaling mangailangan ng ebidensya mayroon akong ipapakita.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon