L : The Downfall of Music Club

510 34 0
                                    

─── A Z U R A ───

Huli na ang lahat para sa amin. Bago paman mapatigil nina Cerl ang recorded audio na nag play kanina ay nalaman na ng lahat ang pinakatatagong sikreto namin. Dahil sa balitang nalaman ng principal ay ipinatawag niya kami sa kaniyang office. Gusto niya raw kaming kausapin tungkol sa nangyari kanina. Narito kami ngayon sa kaniyang office, nakaupo habang pinapakinggan siyang pinapaglitan kami.

Lahat kami ay nagulat ng hampasin ng principal ang mesa nito, "Why did you lie to me?!" galit na galit na sigaw nito.

"We're not lying" Cerl admitted.

"Cut it out Cerulean! There were evidence and yet you want to deny it?! Now tell me, are you doing detective stuff?" nanggagalaiting sigaw niya. Mukha na tuloy siyang dragon.

Sabay sabay kaming tumango dahil natatakot din naman kaming magsalita.

"So it's true! You deserve a big round of applause! Ang galing ninyong magtago ng sikreto! Even I, didn't noticed it. You know that a detective club is banned in our school dahil maaari kayong mapahamak. It's not for you! Kaya ako nagagalit dahil concern ako sa inyo. We prioritize your safety above all things and yet inilalagay niyo sa alanganin ang mga sarili niyo. Now explain to me bakit niyo ako sinuway!" nakakatakot na hamon niya.

"Gusto lang naman naming ipagpatuloy ang nasimulan ni Bros. Ito nalang ang bagay na naiwan niya simula nung mawala siya. We don't want to lose it," Cole explained as sincere as he can to convince the principal.

"So si Bros pala ang nagpasimula nito kaya pala nalagay din siya sa kapahamakan. Do you want that to happen again? Paano kung isa naman sa inyo ang sumunod sa kaniya dahil sa pangingialam niyo sa mga bagay na hindi naman dapat?! Kung hindi pa pala nangyari ito hindi ko malalaman ang katotohanan! From now on, hindi na mag-e-exist ang club niyo!" Singhal niya habang nakatingin ng matalim sa amin.

"What?! Sobra naman yata 'yan!" Cerl complained. Mukhang hindi na siya nakapagpigil.

"To hinder you from doing dangerous stuff I need to terminate your club. This is the only way for you to stop. Simula ngayon wala ng Music Club o Detective Club whatsoever. Apart from that, all of you will be suspended for a month," maotoridad na sambit ni Madam Principal.

"A month?! We did nothing wrong!" I protested. Sobra naman yata 'yon. We're innocent in the first place.

"Really? Nakakalimutan niyo ba na napakalaki ng atraso niyo? You even killed some students para may malutas kayong kaso!" Galit na wika ni Principal Irene.

"That's absurd! Yes, we are detectives but we're not murderers! We just solved those cases, it doesn't mean that we did them!" Sienna retorted. Maging siya ay nagsisimula na ring magalit.

"Kaya ba atat na atat kayong ipa-suspend si Johansson ng sa gayon ay mailipat niyo sa kaniya ang sisi?! Pinagbintangan niyo pa siya sa kasalanang hindi niya naman ginawa. Kaya pala nakapagtatakang kilala niyo si Unknownimous dahil kayo pala siya! I can't believe that you fooled me!" Hindi makapaniwalang sambit niya habang umiiling.

"Believe us! Wala kaming ginagawang masama! Wala kaming kinalaman sa mga nangyayaring krimen dito sa school! Hindi kami si Unknownimous! Same with you, hinahanap din namin siya!" Si Cole naman ang nagdahilan ngayon.

"Then explain those evidences! May mga files kaming nakita kanina," naupo siya ng maayos sa kaniyang swivel chair at napabuntong hininga.

"Ninakaw sa amin ang mga files na 'yun matagal na! Lahat ng ipinakita kanina regarding the files were false. Ako mismo ang nagsulat ng mga files na 'yun at alam kong may kakaiba dahil inedit ang gawa ko. Pinalitan ang content ng mga files. That wasn't the original!" Viridian reasoned out. 

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon