XLV : Who are You?

508 34 0
                                    

─── A Z U R A  ───

Napatakip ako ng bibig. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Lahat ng certificate niya ay may nakalagay na Unknownimous. Ibig sabihin ba nito na siya talaga si Unknownimous? Kung siya nga ang masamang tao na 'yun kailangan ko ng umalis dito habang wala pa siya kundi lagot ako. Nagmadali kong inabot ang pinto ng office niya. Akmang ipipihit ko na ang door knob ng makarinig ako ng bumukas na pinto. Nanlaki ang mga mata ko at napakagat labi ako.

"Oh, bakit nakabukas ang pinto? Hindi mo ba isinara ito bago ka lumabas?" tinig iyon ni Yohan. Kausap niya siguro 'yung babaeng kasama niya dito.

"Huh? Ang alam ko ni-lock ko 'yan bago ako umalis kanina" nagtatakang sagot ng babaeng kausap ni Yohan.

Bago ko pa marinig ang papalapit na yapak ni Yohan patungo dito sa kaniyang opisina ay naghanap na ako ng matataguan. Mabuti nalang at may malaking box dito. Minadali kong alisin ang mga papel na nakalagay doon. Papasok na sana ako ng maalala ko na hinawi ko nga pala ang kurtina na nagtatakip sa mga certificate niya. Ibinalik ko ang kurtina sa dati nitong estado at pmasok ako sa loob ng box pagkatapos ay isinara iyon. Sakto namang bumukas ang pinto.

Sumilip ako sa maliit ng butas ng box para tignan kung ano ang ginagawa ni Yohan. Nag unat siya pagkatapos ay naupo sa kaniyang swivel chair. Binuksan niya ang laptop at nagtipa roon. Ilang oras pa siyang nanatili sa kaniyang ginagawa. Hanggang kailan ba ako magdurusa? Nangangawit na ako sa aking posisyon. Hindi man lamang ako makatayo o makaupo ng maayos. Nakabaluktot pa ako para lang mapagkasya ang aking sarili.

Kailangan ko ng gumawa ng paraan. Sinend-an ko ng text message si Yohan. Sabi ko magkita kami sa labas may importante akong sasabihin sa kaniya. Napangiti ako habang tinitignan siya pero hindi ko inexpect ang susunod na pangyayari. Hindi siya lumabas sa halip ay idinikit niya ang cellphone sa kaniyang tenga. What the! Huwag mong sabihing mag-ca-call siya?! Mabilis kong hinanap ang sound setting ng phone ko pero huli na ang lahat ng marinig ko na ang pagtugtog ng aking ringtone.

Da, da, da-ba-da

Da, da, da, ba-da-ba-da-ba

Da, da, da-ba-da, da-da

LET'S GO!

We'll be there!

Pinipindot ko ang decline button pero ayaw gumana. Lagot ako nito. Sumilip ako at napansin kong nakatingin na si Yohan sa gawi ko. Tumayo siya at naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. Pinilit kong patigilin ang phone ko pero ayaw talaga. Binuksan ko ang case at inalis ang battery para tumigil ito at nagawa ko naman pero huli na naman ang lahat. Binubuksan na niya ang box!

Nanginig ako sa takot. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan. Nagsimula narin akong pagpawisan. Papatayin niya ako kapag nalaman niyang narito ako sa office niya. Nakita ko na ang kamay niya na hawak ang opening ng box. Mas lalo akong kinabahan. Biglang bumukas ang pinto at may narinig akong nagsalita.

"Yohan, narito ang student council vice president" anunsyo ng babaeng hindi ko alam ang pangalan pero ng dahil sa kaniya naligtas ako kaya salamat.

Tumigil sa pagbukas ng box si Yohan. Sinilip ko naman ang babae na nasa may bukana ng pintuan.

"Sige papunta na ako" naglakad si Yohan pero hindi paman din siya nakakalabas ay biglang bumungad sa kaniya ang isang adonis na lalaki.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon