XII : The Mystery of the Living Knight (Hunting)

711 46 1
                                    

─── A Z U R A ───

Play? Anong akala niya naglalaro lang kami? Sa tingin niya ba ganun kadaling kalimutan 'yung ginawa niya sa akin kanina?

"I've just heard the wind talked" I said in sarcasm where in fact I was referring to him.

"It is? Then what does it say?" he asked in a curious tone.

Hindi ko alam kung nagpapaka-engot lang siya o sinasabayan niya ang pagiging sarcastic ko.

"It says, It is? Then what does it say?" ginaya ko ang sinabi niya pati narin ang way kung paano niya ito sinabi.

Mabuti na lamang at dumating narin ang iba pa naming mga kasama dahil kung hindi baka hindi ko na makayanan pang magtimpi at magsisimula na ang World War III.

"Bakit may dala kang backpack?" sita ni Viridian ng mapansin nitong may suot na backpack si Cole na para bang may pupuntahan itong camping.

"Paki mo ba? Gusto kong talbugan si Dora" pag-jo-joke ni Cole na nakapagpatawa naman sa amin.

"Just to remind you we're here to caught the knight and we're not having a boring camping" Viridian said blunty. Napaka-kj talaga niya.

"Basta mamaya kapag bigla kang nagutom at nauhaw huwag na huwag kang maghihingi sa akin" pagmamasungit ni Cole sabay yakap sa backpack nito.

"Huwag karing lalapit at kakapit sa akin mamaya kapag natakot ka" Viridian returned the favor.

"As if namang gagawin ko 'yun. Baka ikaw nga diyan ang yumakap sa akin mamaya dahil sa sobrang takot" confident na sabi ni Cole sabay wink kay Viridian.

"Ows? How can you do that kung ikaw ang magugulatin sa ating anim? Makarinig ka pa nga lang ng kaluskos ay napapasigaw kana. Konti nalang ay maihi ka sa pants mo" pang aasar ni Viridian sabay ngisi.

"That's absurd!" Cole insisted, "Mabuti pa pumasok na tayo" he divert the topic at nanguna ng lumakad papunta sa tapat ng school kaya sumunod nalang kami sa kaniya.

And with that ay sinimulan na namin ang aming plano pero syempre before anything else we need to enter the school first without being caught by the security guard. Of course, we're not going to enter in the usual entrance and wave to the guard because that is an act of total foolishness. Dahil wala namang ibang daanan ang school maliban sa entrance gate ay wala na kaming choice kundi umakyat sa fence para makapasok sa loob.

Unang umakyat si Cole para alalayan kami sa pagbaba sa kabilang side at naiwan naman sina Roux at Cerl dito sa labas para tulungan din kami sa pag akyat. Mabuti na lang at nakayanan naming umakyat although it is our first time doing akyat bakod. Nagtagumpay kami na makapasok ng school without being noticed by the security guard. Kaagad kaming nagtungo sa junior high school building kung saan nagpapakita ang misteryosong kabalyero. Naging maingat kami sa aming paggalaw para hindi kami marinig ng guard. Nakapasok na kami sa nasabing building at we're on our way to the fourth floor. Kasalukuyan naming tinatahak ang daan papuntang second floor ng bigla kaming makarinig ng nahulog na bagay.

"Anak ng tumataeng si Viridian! What is that?!" takot na sabi ni Cole na akmang kakapit na sa braso ni Viridian ng bigla siyang pingutin nito sa tenga.

"Ano nga ulit 'yung sinabi mo?" matapang na tanong ni Viridian habang nakahawak parin ang kamay niya sa tenga ni Cole.

"Aray naman! Nasa ganitong lagay na nga tayo nakukuha mo paring manakit" reklamo ni Cole habang hinihimas ang tenga nitong piningot ni Viridian.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon