XXX : Instruments

608 30 2
                                    

─── A Z U R A ───

Ipinaalam ko kay Viridian at Cole ang nakita ko sa note ng mga pulis habang naglalakad kami pabalik ng clubroom. Sabi ni Viridian malinaw na raw sa kaniya kung ano ang nangyari sa dalawang biktima at kung paano sila nilason. Pagbalik namin sa clubroom ay naroon na sina Roux, Sienna at Cerl. Papetiks petiks lang sila habang nakaupo sa couch.

"Are you done?" pambungad na tanong ni Cerl habang may binabasa itong dyaryo.

Umupo kaming tatlo sa inupuan namin kanina bago kami umalis. Let the best detective win. Sumeryoso kaming lahat bago sabihin ang mga natuklasan namin. Para matukoy kung sino ang mauuna ay nag-tossed coin kami. Head ang sa amin while Tail ang sa kanila. Head ang lumabas kaya the floor is now ours.

"Ang pagkamatay nina Luke at Atom ay walang dudang kagagawan nga ni Unknownimous. Ang rason ng kanilang pagkamatay ay dahil sa cyanide poisoning na natagpuan sa bote ng gamot ni Luke at sa bubble gum na nguya ni Atom. So paano nila nakuha ang poison? Nasabi sa amin ng dalawa na binigyan sila ng pera kanina ni Unknownimous bago namin sila kausapin na malamang sa locker nila kinuha. Nang icheck namin ang locker ng dalawa ay may bubble gum at bote ng gamot doon pero walang halong cyanide ang mga ito dahil 'yun ang totoong bubblegum at gamot nilang dalawa. Ang mga bubblegum na nasa pocket ni Atom maging ang bote ng gamot na nasa bag ni Luke ay ang clone version. Ibig sabihin pinalitan ni Unknownimous ng kaparehong products ang mga ito. Pagkatapos namin silang interview-hin uminom ng gamot si Luke at ngumuya ng panibagong bubble gum si Atom dahil fast reactant ang lason ay agad itong tumalab kaya ilang minuto palang ang lumilipas ay namatay na ang dalawa" mahabang litanya ni Viridian habang nakapokus ang atensyon naming lahat sa kaniya.

Pumalakpak ng marahan si Cerl kaya napatingin kaming lahat sa kaniya, "What you have said was true. That's the story behind the case. Now that we have answered all the questions therefore that settle it" he muttered boringly.

"Wala ka ng idadagdag?" gulat na tanong ni Cole. Maging ako ay puno narin ng pagtataka dahil sa sinabi niya. Wala ba siyang balak lumaban?

"I appreciate your effort for closing this case. Alam ko namang magagaling kayo that is why we leave this work to the three of you"

"WHAT?!" sabay sabay na bulalas namin nina Cole at Viridian. Ibig sabihin wala talaga silang ginawa? Kaya pala chill lang sila kanina nung makita namin sila. Yun pala ay dahil hindi sila nag imbestiga or what. Ipinaubaya na nila sa amin ang paglutas sa kasong ito.

"That's unfair!" I protested. Hindi naman talaga patas ang laban dahil in the first place walang laban na naganap. Um-agree sila sa match na ito pero hindi naman sila sumunod sa terms and conditions. Nagpakahirap kami tapos sila wala man lang ginawa.

"Bakit pa ba kami mag aabalang lutasin ang kasong ito kung kaya niyo naman? Let's not argue regarding this matter, it will only waste our time. I think we should focus on practicing now before the day ends or else we're going to rush for tomorrow's event" maotoridad na sabi ni Cerl sabay tayo at lakad papunta sa puwesto ng mga instruments namin. Sumunod sa kaniya sina Roux at Sienna.

So ganun na lang? Totoong masaya ako na nalutas namin ang kaso at sobrang satisfied ako roon pero kasi hindi naman patas ang nangyari. Parang ang tingin ko rito ay nagparaya lang sila para manalo kami. Well, hayaan na natin at least tapos na.

"Kami parin ang nanalo which means may ipapagawa kami sa inyo. Yahooo!" masayang sabi ni Cole sabay tayo.

"Let's practice for now but afterwards the three of you will going to treat us" seryosong sabi ni Viridian na nakapagpaligaya sa amin ni Cole kaya nag-apir kaming dalawa.

We maximize the remaining time practicing our final performance for tomorrow's event Battle of the Band Contest. We are all looking forward to bring home the bacon. Good thing na naging okay naman ang practice namin at ready na kami bukas. After ng practice ay nagkaroon muna kami ng meeting para bukas pagkatapos ay umuwi na kami. Maaga ulit kaming papasok bukas para makapag practice for the last time before the real performance. Napag usapan rin namin na color coding dapat ang mga damit namin at sapatos para magandang tignan. School fest bukas that is why we are allowed to wear civilian.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon