XXXIV : The Secret Tale Of Snow White

614 37 0
                                    

─── A Z U R A  ───

"What does Letters R and B signifies?" I asked with knitted eyebrows.

"Red and Blue? That's too obvious baka iba ang ibig niyang sabihin" Viridian commented as she touch her chin.

Pareho kaming naguguluhan ni Viridian habang iniisip kung anong tinutukoy ni Unknownimous sa kaniyang sulat. Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto and fortunately it wasn't Cerl dahil kung hindi palpak ang pa-surprise namin sa kaniya. Si Cole ang pumasok may dala itong cake. Isinara niya ang pinto at lumapit sa amin.

"Para naman kayong nakakita ng multo, sa gwapo ko ba namang ito hindi na ako magtataka kung ma-i-starstruck kayo sa akin" he said in a half joke half meant tone. Inilapag niya sa mesa ang dalang box of cake.

"Look at this" said Viridian as he slapped the card to Cole's face. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaawa.

"Huwag ka na ngang magtampo diyan porke wala akong dalang rosas, tsokolate o di kaya'y teddy bear nagkakaganyan kana" pang aasar ni Cole sabay kuha sa card na nasa mukha niya para suriin kung ano 'yun.

"Duhh I don't need such things" masungit na sabi ni Viridian sabay balik sa kaniyang ginagawang pagdidikit.

"So may panibago na namang challenge sa atin si Unknownimous" ani Cole habang nakatutok parin ang paningin sa card.

"Stating the obvious huh" bitter na sabi ni Viridian habang busy sa pagdidikit.

"We don't have much time for this, may ginagawa pa tayong surprise para kay Cerl" sabi ni Cole sabay hila ng monobloc chair at saka naupo rito.

"How about you two work on it?" tumigil si Viridian at humarap sa akin.

"We?" tanong ko habang itinuturo ang aking sarili at si Cole.

"No, you and Cerl para naman ma-i-distract mo rin siya. I'm sure hindi mo siya mapipigilang hindi pumasok dito sa clubroom" Viridian said in a matter of fact tone.

"That's true, knowing him he will surely spend his time inside the clubroom instead of roaming around the campus" gatung ni Cole.

"Okay sige, leave it to us" confident na sabi ko.

"Don't worry if we have free time tutulungan namin kayo" nakangiting wika ni Viridian "Cole, take a pic of the card" utos niya sa nakalumababang si Cole na sinunod naman nito. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at kinuhanan ng picture ang card.

Ibinigay niya sa akin ang card na inilagay ko naman sa aking pocket. Kinuha ko ang aking bag at isinuot 'yun. Nagpaalam muna ako sa kanila na ako na ang bahala kay Cerl. Saan ko ba mahahagilap ang lalaking 'yun? Pababa palang ako ng hagdan ng makita ko si Cerl na paakyat naman. Kaagad akong humarang sa kaniyang daraanan at binigyan naman niya ako ng anong-ginagawa-mo-look.

"Since first time kong ma-experience ang Valentine's day dito sa Northville High how about you accompany me around?" nakangiting wika ko. Ngayon lang talaga ako magiging mabait sa kaniya.

"Sorry but I don't waste my time for nonsense stuff" he said at nilagpasan ako.

Ugh, this is more harder than I think. How will I make him come with me? Hinawakan ko ang bag niya kaya natigilan siya at tumingin sa akin ng naka-pokerface. Ibinigay ko sa kaniya ang card at nagtataka naman niya 'yung tinitigan.

"So you're trying to confess your feelings to me by giving that love letter?"

I slapped my hand onto my forehead. This guy's getting on my nerves. Magpasalamat nalang talaga siya at birthday niya ngayon. I swallowed the lump on my throat before speaking.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon