XXXIX : Birthday Surprise

559 39 0
                                    

─── A Z U R A ───

Hinawakan ako ng mahigpit ng alipores ni boy glasses. Itinutok nito ang swiss knife sa aking leeg. Ginawa niya pa talaga akong hostage. Siniko ko siya ng malakas sa kaniyang tiyan dahilan para mabitawan niya ako. Sinuntok siya ni Cerl kaya nabitawan din niya ang hawak na kutsilyo at napahawak sa kaniyang panga. Hindi pa nakuntento si Cerl kaya sinuntok niya pa ito ng isang beses dahilan para dumugo ang gilid ng labi ng lalaki. Sumugod ang nakasalaming lalaki pero nakita siya ni Cerl kaya itinutok niya ang swiss knife sa lalaki na nakapagpatigil dito. Itinaas niya ang dalawang kamay niya na para bang sumu-surrender.

Dumating na ang mga pulis para rumesponde at isinama na nila ang dalawang students na pumatay sa biktima. Napag alaman naming ang pangalan ng dalawang culprit ay Ronnie at Barron. Si Ronnie ang tumulak kay Rachel samantalang si Barron naman ang sumuntok sa babae para mawalan ito ng malay. Sa madaling salita ay pinag tulungan nila ang biktima. Tinanggal ni Cerl ang mga rope na nakatali sa aking mga kamay at paa.

"May ginawa ba sila sayo?" seryoso parin ang itsura niya pero malalaman mong nag aalala siya dahil sa tono ng pananalita niya.

"Okay lang ako, mabuti nalang at dumating ka kundi nahalikan na ako ng lalaking 'yun."

He let out a sigh and stood up. Pinagpag ko ang aking palda at tumayo narin. Nilapitan kami ni Inspector Benitez na kasama ng mga pulis.

"Happy Birthday Cerl, sad to say na sobrang malas ng birthday mo dahil dalawang kaso na ng pagpatay ang naitala ngayong araw pero sana mag-enjoy ka parin" nakangiting wika ni Inspector sabay pat sa balikat ni Cerl.

"Ayos ka lang ba iha? Balita ko muntikan ka ng halikan nung lalaking 'yun ah" bumaling sa akin si Inspector.

Tumango ako kay Inspector "Ayos lang naman po ako Inspector" sagot ko.

"Akala ko nga ay mauunahan pa niya si Cerl" Inspector let out a chuckle.

Cerl made a sarcastic cough habang humagikgik naman si Inspector. I shot a sideward glance at Cerl pero hindi ko mabasa kung anong nararamdaman niya dahil naka-pokerface siya. Nagpilit nalang ako ng ngiti kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Inspector.

"Anyway, congratulations sa inyong dalawa" kinamayan niya kaming pareho ni Cerl.

Nagulat ako sa sinabi ni Inspector kaya awtomatikong napakunot ang noo ko "Para saan po?" nagtatakang tanong ko.

"Sa kasal niyo" aniya habang tinitignan ang singsing naming dalawa ni Cerl. Nakaramdam naman ako ng pagkahiya.

Tumawa si Inspector kaya nakitawa tawa nalang din ako. Nilapitan siya ng kasamahan niyang pulis saka may ibinulong sa kaniya kaya naman nag paalam na si Inspector sa amin na aalis na sila dahil may gagawin pa raw sila. Bago tuluyang umalis ng rooftop ay may ibinulong siya kay Cerl at saka tumawa ulit hanggang sa lumakad na siya palabas ng rooftop.

"Anong sinabi sayo ni Inspector?" I asked curiously.

"Bumaba na tayo" he said coldly at nanguna sa paglalakad kaya sumunod nalang ako.

I grabbed my phone para tignan kung may message na galing kay Cole and to my surprise ay naka-14 missed calls siya sa akin at 14 messages. Napangiwi ako habang binubuksan ang mga text message na na-received ko. Iisa lang ang text na sinend niya.

Drummer Boy Cole

Nasaan na kayo? Narito na si Roux. Everything is fixed. Pumunta na kayong dalawa rito.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko habang binabasa ang text message. Tumakbo ako para maabutan si Cerl. Ibinalik ko sa aking pocket ang cellphone ko.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon