XIII : The Mystery of the Living Knight (Ketchup Sachet)

707 46 0
                                    

─── A Z U R A ───

Iluluwas na mga produkto? What kind of product? I have a strange feeling with this guy at sa mga produktong tinutukoy niya. Nakakapagtaka lang na wala naman siyang ibang kasama pero nagsasalita siya. Then a thought came in my mind, may kausap siya sa telepono! Pero hindi pa 'yun ang naka-caught ng attention ko kundi ang boses ng lalaki. It sounded like a man in his fourties. At parang narinig ko na ang boses na 'yun but I can't remember from whom.

Nagsimulang lumakad muli ang lalaki sa corridor kaya sumunod ulit ako. Abala naman siya sa pakikipag usap sa dabarkads niyang nasa kabilang linya kaya malabong mapansin niya ako. Naisipan kong i-record ang pag uusap nila nung dabarkads niya kaya naman I grabbed my phone from my pocket but got shocked ng wala iyon. Naalala ko bigla na naiwan ko pala 'yun sa may cookery lab. Inilagay ko 'yun sa may table nung i-lock ko ang pinto.

Sayang nga lang dahil wala akong matibay na ebidensya laban sa lalaking ito. Gayunpaman hindi ako huminto sa pagsunod sa kaniya.

"Ilan ba ang kailangan ninyo?"

"Sige mamayang konti ay ihahatid ko sa dati nating meeting place"

"Ano? Gusto niyong pumunta rito?"

"Oo naman walang problema. Pinatulog ko narin naman 'yung guard at wala ng iba pang tao rito maliban sa akin kaya wala namang makakaalam ng transaksiyon natin"

"Sige ibababa ko na"

Doon na natapos ang pag uusap niya at ng mga goons sa kabilang linya. Kung ganoon magandang timing ito para mahuli sila pero mas mahihirapan kami kapag nakarating na ang mga lalaking 'yun dahil paniguradong mas malakas sila sa amin, wala kaming panama sa kanila. It'll be too dangerous kung mag stay kami dito kaya dapat habang wala pa ang mga goons na 'yun ay magawa na naming mahuli at malaman kung sino ang lalaking nasa likod ng knight na ito.

Nang mapansin kong parang pamilyar ang daan na tinatahak namin ay nalaman ko na kaagad kung saan siya pupunta. Sa cookery lab! I wonder kung andun pa si Cerl pero wala akong pakialam kung mahuli man siya. I can hear the creaking sound made by the opening door.

"Bakit nakabukas ito?" may pagtataka sa tono ng pananalita niya kaya naman napakagat labi ako baka malaman niyang may ibang tao na narito at patay kami pag nagkataon.

"Di bale baka nakalimutan lang isara ng pabayang guard na 'yun" sagot niya sa kaniyang sarili kaya naman nakahinga ko ng maluwag. Papasok rin sana ako ng isara niya ang pinto.

Siyempre hindi ko naman hahayaang mawala siya sa paningin ko kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi ito makalikha ng tunog. Gumapang ako papasok ng kuwarto at isinara 'yun. Luckily hindi niya ako napansin. Nagtago ako sa isa sa mga mesa at pinapanood kung ano ang ginagawa niya. Binuksan niya ang isang cabinet na naka-lock gamit ang hawak niyang susi at mula roon ay may kinuha siyang isang briefcase.

Kakabukas niya pa lamang nito ng biglang mag ring ang phone niya kaya naman kinuha niya 'yun at sinagot. Idinikit niya ito sa kaniyang tenga.

"Bakit ka napatawag ulit?"

"Choppy ka, teka lang mahina kasi ang signal dito lalabas lang ako sandali"

Lumakad siya palabas at isinara ang pinto. Now's the perfect time para malaman kung ano ang laman ng briefcase. Lumapit ako sa mesa kung saan niya ito inilagay. Nakabukas na ang briefcase kaya kaagad kong nakita kung ano ang laman niyon. Napakunot ang noo ko ng malamang ketchup lang pala ang mga 'yun pero naka-pack na maliliit. Kumuha ako ng isa at hinawakan 'yun pero nagtaka ako bakit kakaiba ang laman.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon