XI : The Mystery of the Living Knight

812 45 0
                                    

─── A Z U R A ───

Halos mawalan ako ng lakas habang nakatitig sa mga letrang nakalagay sa papel. Nakakapanlumo at nakakapanlambot. Sino naman kaya ang nagpadala ng papel na ito? Bakit niya ako gustong patayin? Muli kong pinulot ang papel. Binuksan ko ito ng buo which causes something to slid out of it. Ngayon ay nakakalat sa sahig ang mga litrato ko habang nakaupo ako dito sa sofa sa clubroom namin at binabasa ko ang laman ng folder. Kinilabutan ulit ako ng makita ang mga pictures sa sahig. Ngayon lang ito naganap, kaninang konti bago ko buksan ang pinto. I have a strange feeling about this. Iisa lang ang ibig sabihin nun, narito siya sa loob o di kaya naman ay nagmamanman sa paligid.

I heard a strange noise which made my heart beats faster. He's here or maybe she's here. Para akong na-pa-paranoid. I can't help but to imagine things na baka bigla siyang lumabas out of nowhere at patayin ako. I started to feel goosebumps and my hands begin to tremble. Just as when I was about to scream ng biglang may narinig akong tumawa. It doesn't sound like a witch or an evil laugh but more of a laugh when someone is joking.

Biglang gumalaw ang kurtina ng bintana namin at lumabas ang tawang tawa na si Cerl. Hawak hawak niya pa ang kaniyang tiyan habang walang tigil sa paghalakhak. Sa sobrang galit ko ay hindi ko na napigilan ang aking sarili. Walang anu ano'y nilapitan ko siya at sinampal ng malakas. He deserves more than than for what he did to me! He pranked me! Kung akala niya ay nakakatawa 'yun pwes sa akin hindi. Hindi dapat gawing katatawanan ang ganoong bagay! It's a serious matter! Putting other's life for a prank, that's a huge lunacy!

Bago ko pa siya masampal ulit ay nag walk out na ako baka kasi hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko at baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya. Nagmadali akong lumayo sa clubroom namin leaving that lunatic man and the folder that I was carrying a while ago. Wala akong pakialam kung saan man ako mapadpad basta ang importante ay makalayo ako sa lalaking 'yun.

Habang patuloy ako sa paglalakad ay bigla akong nakarinig ng sigaw mula sa auditory room. Nagmadali akong tumakbo papunta roon at nakiusyoso rin katulad ng ibang mga estudyante. I thought makakakita ako ng nakabigting student o di kaya naman ay katawang puno ng dugo pero hindi ganoon ang nakita ko. Mukhang nagpa practice ang mga taga theater club or so I thought dahil mukhang may away na nagaganap. Lahat ng mga casts na nasa stage ay naka costume maliban sa isa.

"Why aren't you wearing your costume?!" tumaas ang boses ng director slash president ng theater club. Mukhang pinapagalitan niya ang isa sa mga actors niya na mukhang pasaway.

"How will I do that if my knight costume is missing?!" the boy said in a half shout half angry tone.

His knight costume is missing? Biglang sumagi sa isipan ko ang pinag usapan namin kanina ni Yohan back when we were in his office.

"Habang naglalakad ay biglang nagpakita ang kabalyero sa kaniya"

Bigla akong kinutuban ng maalala 'yun. Hindi kaya ang nakita ni manong guard kagabi ang may pakana ng pagkawala ng costume ng lalaking 'to? Ibig sabihin totoo ang kwento ng guard na nakakita talaga siya ng kabalyero kagabi. But that isn't a true knight, it is someone who disguised as a knight! Stealing and wearing a knight costume to get rid of anyone who might meddle with his business!

"What do you mean?!" napatayo ang babae mula sa kaniyang pagkakaupo. May halong pagtataka sa tono ng boses niya.

"Iniwan ko lang ang costume ko kasama ng sa kanila but I can't find it anywhere. It must have been steal by someone!" the boy reasoned out. Well, I can say that somehow he is right. The knight costume has really been stolen by someone who's dangerous.

Hindi ko na pinanood pa kung ano ang susunod na pangyayari dahil umalis na ako. Isa lang ang ibig sabihin ng lahat ng ito, may masamang loob na namamalagi sa school tuwing gabi. Hindi ko pa alam kung anong ginagawa niya pero I think it has something to do with a secret business. Hindi na ako magtataka kung gumamit siya ng knight costume to hide his identity and the fact that he used it to drive people away means that he is doing something illegal. Mabisang panakot nga naman ang isang knight kaya by using it hindi siya mahihirapang itaboy ang lahat ng maaaring makaabala sa kaniya. But the only question left is, who might be that knight?

Natigilan ako sa pag iisip ng maramdaman kong mag vibrate ang cellphone ko na nakalagay sa pocket ko. I grabbed my phone from my pocket. Nakatanggap ako ng message from an unknown number. In-open ko ang message at ganito ang laman:

From: 091234567890

Where are you? Please come here as quick as possible. We're talking about our plan for tonight. You shouldn't missed it. We'll be waiting for you.

-Sienna

As soon as I have finished reading the message ay nanakbo agad ako papuntang clubroom namin. Even though may galit parin ako sa lalaking ginawa akong katatawan kanina ay hindi ko pwedeng idamay ang kaso. Pagkarating ko doon ay nag uusap na silang lima.

"Mabuti naman at dumating ka. C'mon join us here" yaya ni Cole sa akin with a smile in his face.

Hindi na ako nagpabebe pa at naupo na agad ako sa tabi ni Sienna. Nakikinig sa mga sinasabi ni Cerl slash lunatic boy.

"Magkikita kita tayo mamayang gabi dito sa school at exactly 8 pm. Be careful to not get caught by the security guard. Magdala kayo ng mga flashlights and your cp's of course para madali nating ma-contact ang isa't isa. Pupunta tayo sa fourth floor ng magkakahiwalay. To secure our safety, we'll be in pairs. Mag aassign ako ng spot kung saan tayo magbabantay. The first pair will be Roux and Sienna---" before he could finished his sentence I interrupted immediately.

Alam ko na kung saan hahantong ito kaya naman sumingit na agad ako, "Pwede bang kami nalang ni Roux ang magkasama?" I suggested dahil alam kong siya na naman ang kapares ko and I will never let that happen.

May pagtataka nila akong tinignan. Akala yata nila may gusto ako kay Roux kaya gusto ko siyang makasama.

"Wala akong gusto kay Roux, gusto ko lang makasama siya para naman kahit papaano maging ka-close ko siya" pagdadahilan ko kahit hindi naman talaga 'yun ang totoong rason kung bakit gusto ko siyang maka-pair.

"That's good, next time naman ako ang makakapares mo para maging close rin tayo" nakangiting wika ni Cole sa akin. Mabuti na lamang at sinakyan niya ang sinabi ko.

"First pair will be Roux and Azusa, sila ang magbabantay sa may tabi ng stairs. Second pair will be Cole and Viridian, sa may science room sila magbabantay at ang huling pares ay ako at si Sienna, kami naman ang magbabantay sa may comfort room. Sina Roux ang sa may pambungad sina Cole ang nasa gitna at kami naman ang sa dulo ng fourth floor. We need to be careful sa lahat ng gagawin natin para hindi tayo mapansin ng knight at tandaan ninyo don't make any noise dahil sa oras na marinig tayo ng guard ay siguradong malalagot tayo. Again, let's meet at the shed near our school at 8 pm. Dismissed."

That ends our meeting. Umuwi na kami at naghanda para sa magaganap na Knight Hunting mamayang gabi. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot kung ang Ghost Hunting ba o itong gagawin namin. Hindi naman sigurado kung totoong may mga ghosts pero hindi naman nila tayo masasaktan unlike criminals, hindi sila magdadalawang isip na paslangin tayo. Sinigurado kong full charge ang cellphone ko at hindi pumapalya ang dinala kong flashlight dahil mahirap na. Nag ready rin ako ng maaaring sandata kung sakaling makita kami nung knight at he will draw his sword at us just like what he did to the security guard. Mas mabuti ng maging handa kaysa sa maging nganga. Kahit walang certainty na magtatagumpay kami sa binabalak namin ang mahalaga ay safe kaming makauwi mamaya.

Pagpatak ng alas otso ng gabi ay lumakad na ako papuntang school. Akala ko nga ako na ang huling dumating sa meeting place namin pero mula sa kinatatayuan ko ngayon ay isang silhouette palang ang nakikita ko which means late ang iba mukhang filipino time sila. Nagmadali akong pumunta sa shed para makita kung sino 'yun pero nadisappoint lang ako ng makita ang mukha ng nakaupong tao. It was Cerl.

I can't stand being with him kaya hindi ko siya nilapitan sa halip ay lumayo ako sa kaniya ng ilang kilometro. Hanggang ngayon hindi parin matanggal ang galit na nararamdaman ko sa kaniya. Exaggerated na kung tawagin ninyo pero I just can't forgive him. Hindi biro ang mabigyan ng isang death threat and the fact na halos kumawala na ang puso ko kanina sa dibdib ko dahil sa sobrang takot hindi 'yun nakakatawang bagay. Matahimik ang paligid at medyo mahangin dito sa labas. Tanging ihip lang yata ng hangin at kaluskos ng mga dahon ang naririnig namin not until he speak.

"How long do you want to play?"

🎼 C O D E P L A Y 🔎

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon