XV : Apollo Gee

745 50 3
                                    

─── A Z U R A ───

Kinabukasan, may bago ng guard na sumalubong sa aming mga students sa gate. May ibang nagtataka kung bakit napalitan na si manong Rolando samantalang ang iba naman ay gustong gusto ang bagong gwardya dahil medyo bata pa ito at gwapo. Siguro'y mga around twenties palang ang age niya. Mabait naman siya pero strikto kapag may mga lumalabag sa batas ng skul. Lalo na sa No ID No Entry Policy. Napag alaman din namin na naibalik na ang nawawalang knight costume ng mga taga-theater club. Nagpalusot nalang ang mga student council kung papaano nila nakita ang costume para hindi sila maghinala pa.

Pagpasok ko sa classroom ay kumuha na agad ako ng pandakot at walis upang maglinis dahil isa ako sa mga cleaners para sa araw na ito. Ako ang nakatoka sa loob ng classroom. Pagkatapos kong mawalis at siguraduhing malinis ang loob ng silid ay pinunasan ko naman ang maalikabok na mga bintana. Paunti unti ng nagsisidating ang mga kaklasi ko. Habang pinupunasan ko ang bintana malapit sa pintuan namin ay bigla akong tinawag ng isa sa mga kaklasi ko na nasa labas.

"Shan! May naghahanap sayo" pagtawag sa akin ng kaklasi kong babae na kasalukuyang nagwawalis sa harap ng classroom namin.

Automatic na napakunot ang noo ko sa aking narinig, "Hmm? May humahanap sa akin? Sino?" nagtataka kong tanong sa kaklasi ko. Wala naman akong maisip na dadalaw sa akin.

"Lalaki siya" sagot ng kaklasi ko habang tinitignan ang lalaking nasa labas.

"Boyfriend mo ba? Nice choice, gwapo siya. Yiieee~" singit naman ni Claire habang nakangiti ng pilyo.

"Naku hindi ah, wala pa akong boyfriend" deny ko naman dahil wala naman talaga. Sino naman kaya 'yung lalaking humahanap sa akin? Anong kailangan niya?

"Osya sige na, puntahan mo na siya baka mainip 'yun at humanap pa ng iba" pang aasar ni Claire sabay tawa kaya tumawa rin ang kaklasi kong kasama niya sa labas.

Bumaba ako sa upuan na pinag akyatan ko at saka lumabas ng classroom habang dala ang feather daster sa kamay ko. Hindi na ako nagulat ng makita ko kung sino 'yun. Nakasandal siya sa isa sa mga pillars at nakahalukipkip. Seryoso ang kaniyang mukha at nakatingin sa ibang direksyon. Ano kayang pakay niya? He could have texted me kung meron man pero bakit pa siya pumunta?

"Anong kailangan mo?" pambungad na tanong ko sa kaniya. Napaka-unusual kasi na puntahan niya pa talaga ako sa classroom namin.

Ipinasok niya ang isa niyang kamay sa pocket niya at inilabas ang isang bagay na nagpalaki ng mga mata ko. My cellphone! Bakit nasa kaniya 'yun?

"I just want to return this phone from its careless owner" he remarked as he gives emphasis in the word careless and then handed me my phone which I accepted.

"At bakit nasayo ang cellphone ko?" masungit na tanong ko habang ini-scan ang cellphone ko kung may ginalaw ba siya o ano.

"Don't worry hindi ko naman pinakialaman 'yan maliban na lang sa lock screen mo na may nakalagay na----" dali dali kong tinakpan ang bibig niya bago pa niya maituloy ang sasabihin niya.

"Don't dare to speak about it" I threatened him bago ko tanggalin ang kamay kong nakatakip sa bibig niya.

"Nakalimutan mo 'yang phone mo sa table sa cookery lab nung i-lock mo ang pinto at umalis ka" at doon ko lang naalala ang nangyari ng gabing 'yun. I slap my forehead with my palm. Napakapabaya ko talaga kahit kailan.

"So ito lang ba ang dahilan kaya ka pumunta rito?" I queried bago ko itago ang cellphone ko sa aking pocket. Sa palagay ko hindi naman siya mag aaksaya ng panahon na pumunta rito para lang isauli ang cellphone ko. He has something up in his sleeves.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon