XXV : Number Cards

652 35 0
                                    

─── A Z U R A ───

Sa paligid ng mga letters ay may mga kamay na paint na mas nagpa creepy sa wall. Kagaya ng setting kanina, nakaupo ulit 'yung doll sa may sofa at hawak nito ang isang card kaso may bago rito. Makalat at magulo ang paligid. The things are not in their proper places pero ipinagwalang bahala ko nalang 'yun.

"So Plan B naman ngayon? After mag work ng Plan A mo? Nga pala, pinapabigay sayo ni Lola itong ulam" tinatamad na sabi ko sabay lapag ng dala kong ulam sa mesa sa gitna.

Paalis na sana ako ng makatapak ako ng salamin sa sahig pero basag na 'yun at nakakalat na ang mga shards nito. Mabuti nalang at naka-tsinelas ako kundi baka nabubog na ako. Pagharap ko ay nasa tabi ko na ang creepy doll kaya naman na out of balance ako at napaupo sa sahig. Sa kamalasan ko pa ay nahawakan ko ang mga glass shards na nakakalat sa floor kaya nasugatan ako. Tinignan ko ang doll na nakatayo sa aking harapan, gumalaw ito at iniaabot ang card sa akin.

Kinuha iyon ng mga nanginginig at sugatan kong kamay. Pagkakuha ko nun ay biglang natumba ang doll. Tumayo na ako at umalis sa haunted house ni Cerl habang hawak ng duguan kong kamay ang card na iniabot ng doll. Pagkapasok ko ng bahay ay ginamot agad ni lola ang sugat ko. Habang ginagamot niya ang mga 'yun ay nakapikit ako. Hindi ko magawang tignan ang mga kamay ko maging kanina pa nung naroon ako sa bahay ni Cerl. Mabuti nalang at binendahan ni Lola ang mga sugat ko kaya hindi ko na ito nakikita. Both my hands got wounded by those glass shards. Nahihirapan tuloy ako sa paghawak ng bagay bagay.

Kinabukasan ay ipinaalam ko sa mga kasama ko ang masamang balita. Dahil sa sugat na natamo ng kamay ko ay hindi na ako makakapag gitara. Maging sa pagsusulat kanina ng lecture ay nahirapan ako, mabuti nalang at ipanag sulat ako ni Claire.

"Sayang naman, first performance mo pa naman ito kasama kami" malungkot na sabi ni Sienna.

"Okay lang 'yan makakapag kanta ka pa naman" sabi ni Cole sabay pat sa balikat ko.

"Sa susunod ka nalang mag gitara, may next time pa naman" nakangiting wika ni Roux.

"Mabuti pa mag start na tayong mag practice" sabi ni Viridian sabay punta sa puwesto kung nasaan ang violin niya.

Habang nagpa-practice sila ay nag excuse muna ako. Lumabas ako para kumuha ng maiinom sa may vending machine. As usual, orange juice ang binili ko. Paalis na sana ako ng makita ko si Yohan na kinukusot ang kaniyang mga mata samantalang ang isang kamay niya ay hawak ang kaniyang salamin. Nang isuot niya ang kaniyang salamin ay napatingin siya sa akin ng may halong pagkagulat.

"Ikaw pala Azura" he looked so stressed. Mas lalong lumalim ang eyebags niya.

"Hi" awkward na sabi ko sabay ngiti.

Nginitian niya ako at kumuha rin siya ng maiinom. He buy a coffee in can. Binuksan niya 'yun at ininom ng straight.

"Natutulog ka pa ba? Mukhang wala ka kasing tulog base sa mga eyebags mo" I asked para naman hindi awkward silence ang mamayani sa aming dalawa.

"Tama ka, hindi na nga ako nagkakaroon ng oras para matulog dahil sa dami ng ginagawa" sagot niya while looking at me hanggang mapunta sa kamay ko ang tingin niya kaya mabilis kong itinago ang mga 'yun "Bakit nakabenda ang mga kamay mo? Did you cut yourself? Are you injured?" nagtatakang tanong niya.

"Nakahawak kasi ako ng bubog" sagot ko at ngumiti ng pilit.

"You should be careful" nag aalala niyang sabi "Mayroon akong ointment dito para mas mapabilis ang paghilom ng sugat mo at walang maiwang peklat" may kinuha siya sa kaniyang pocket.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon