XXXVII : Valentine's Day With Cerl (Part 2)

569 45 5
                                    

─── A Z U R A ───

"Can't you see i'm seriously watching here?" naiirita na ako sa kaniya.

"Okay then kapag ako ang bumili hindi na ako babalik dito" pagbabanta niya sabay sip ng coke.

"Okay fine" wala sa loob na sabi ko sabay palad na parang namamalimos "Pera mo"

"Bakit sa akin pera? Hindi ba't ikaw ang nagyaya sa akin so it means you need to treat me" katwiran niya kaya naman wala na akong nagawa pa.

Padabog akong tumayo at naglakad palabas ng cinema booth. Hindi ko na talaga makayanan ang lalaking 'yun. Bumili ako ng popcorn at drinks para sa kaniya. Pagkabukas ko ng aking wallet ay 100 pesos nalang ang natitirang pera ko. Nasapo ko ang aking noo gamit ang aking palad. Binili ko parin ang ipinapabili ng mahal na prinsipe. Sixty pesos nalang tuloy ang pera ko.  Pumasok ulit ako sa loob ng booth at naupo sa aking puwesto. Iniabot ko sa mahal na prinsipe ang pagkain na pinabili niya pero sa akin ang ginamit na pera.

Pagkatapos ng movie ay lumabas na kami at muling naglibot. Hanggang ngayon ay wala parin akong natatanggap na text mula kay Cole. Pumunta kami sa game booth na may pangalang Shoot Me! Nakakita ako ng Ice Bear stuffed toy kaya naman lumapit ako roon. Ten pesos daw ang kailangan para makapag laro. Ang kailangan ko lang gawin ay maka-shoot ng bola sa gumagalaw na net. Kumuha ako ng ten pesos at ibinigay kay kuya. Nag unat muna ako bago magsimulang mag shoot. Kinuha ko ang unang bola at tyumempo sabay shoot pero hindi naman ito pumasok sa ring. Sinubukan ko ulit pero naubos ang bola wala man lang akong naipasok. I'm not really good in any sports.

"Don't dare to try another one, you're not going to win" pagbasag niya sa kaligayahan kong makuha ang stuffed toy na price.

Gusto ko pa sanang maglaro kaso may kj akong kasama kaya huwag nalang. Bigla namang may dumating na couple.

"Love, I want that stuffed toy. Can you get it for me?" pabebeng sabi ng babae na nakakapit sa braso ng kaniyang nobyo.

"Of course love" sweet na sabi ng lalaki habang nakangiti. How cringy.

Inilapag niya ang sampung piso sa mesa at inabutan naman siya ng limang bola ni kuya. Tumabi naman ako para hindi ako masabihang haharang harang ako.

"Go sexy, go sexy, go sexy sexy love!" pag cheer ng babae sa kaniyang nobyo. Ginaya pa talaga niya sa Athena. Wala pa lang originality 'to e. 

Pinanood ko ang gagawing pag-sho-shoot ng lalaki. Unang tira palang niya ay pasok na ang bola. Woah! Ang galing niya. Pangalawang tira ay pumasok parin ito hanggang sa maubos na ang bola. Naka-shoot siya ng tatlong bola while the other two failed.

Ibinigay ng lalaki sa kaniyang girlfriend ang Ice Bear stuffed toy at sa totoo lang nainggit ako sa kaniya. Hindi dahil ang boyfriend niya ang nagpakahirap na kunin 'yun kundi dahil gustong gusto ko talaga 'yung stuffed toy.

"Thank you love, ang sweet mo talaga" kinikilig na sabi ng babae sabay halik sa pisngi ng kaniyang boyfriend. Yuck.

Napaiwas ako ng tingin sa kanila dahil sa ginawa niyang 'yun. Gusto ko ngang masuka. Pagbalik ko ng tingin ko sa kanila ay nakataas na ang kilay ng babae sa akin.

"What are you looking at? Naiinggit ka ba? Why don't you ask your boyfriend to get you a stuffed toy as well?" mataray na sabi niya. She got some attitude huh. Hindi man lamang siya pinigilan ng boyfriend niya.

Napatingin tuloy ako sa sarili ko at kay Cerl. We really look like a real couple paano ba naman kasi parehas kami ng kulay ng damit which is plain pink tshirt tapos naka-white pants siya samantalang ako naman ay nakaputing palda. Parehas ding gray ang rubber shoes naming dalawa. Kaso nga lang ay naka-gray jacket siya ako hindi. Hindi namin pinag usapan ang tungkol sa outfit namin just so you know. It was all a coincidence. Para tuloy kaming naka-couple shirt or outfit.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon