XVIII : Camping Trip (Missing in Tandem)

686 43 2
                                    

─── A Z U R A ───

Hindi ko alam pero parang gusto kong matawa sa dare ni Douglas. As if naman kasing may type sa mga babae itong si Cerl. Nang mapukol ang tingin ko kay Cerl ay nagulat ako dahil nakatingin din siya sa akin. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi. Ngiting nakakaloko. Dahil doon ay mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko naman sinasabing ako ang ituturo niya pero parang ganun na nga. Malakas ang kutob ko na ganoon ang mangyayari. Hindi totoong type niya ako pero syempre gagawin niya 'yun para asarin ako. Nag-go-good trip lang naman kasi ang lalaking 'yan for sure.

"Hindi pwedeng wala, dapat meron" pahabol na sabi ni Douglas habang hinihintay ang magiging sagot ni Cerl.

I am avoiding his stares kaya tumitingin ako sa ibaba. Nagulat nalang ako ng biglang magtilian ang mga kaklasi ko. Tumingin ako kay Cerl at nakaturo sa akin ang hintuturo niya. Sinubukan kong magtago sa likod ni Esther para hindi ako kunwari ang itinuturo niya pero kahit anong gawin ko sumusunod parin ang daliri niya sa akin. Kung may dala lang akong chainsaw o kaya kutsilyo kanina ko pa pinutol ang daliri niya. Tignan lang natin kung makaturo pa siya.

"Mukhang type ni Cerl ang dancer natin ah" komento ni Douglas habang pinaglilipat ang tingin kay Cerl at sa akin.

"Nice choice" nakangiting sabi ng katabi ni Cerl na si Kyle habang tinatapik niya ito sa may shoulder niya.

"Grade 11 students!" pagtawag sa amin ni Mrs. Alfonso kaya naman tinignan namin siya at huminto sa mga ginagawa namin. Mabuti na lang talaga at dumating si ma'am kundi hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa kahihiyan.

"It's already 8:30 pm! Magsitulog na kayo sa mga tent niyo! Tandaan niyo walang lalabas ng tent hanggat hindi ko sinasabi. Ang makita kong lumabas ng gabi at nag-ghost haunting o di kaya'y lumibot sa may kakahuyan ay mapapatawan ng parusa. Maliwanag ba?" mahigpit na paalala sa amin ni Mrs. Alfonso.

"Opo ma'am!" sigaw naming lahat.

Nagsitayo na kami at pumunta na sa mga tent namin. Pinatay ni Mrs. Alfonso ang mga bonfire sa labas para makatulog kami dahil may iilan daw kasing mga students ang hindi makatulog kapag may ilaw silang nakikita o naaaninag. Naging tahimik ang paligid at tanging kuliglig lamang ang maririnig sa paligid. Nakatulog kaagad ako dahil din siguro sa pagod at sa byahe.

Nagising ako bigla ng maramdaman kong naiihi na ako. Dahan dahan akong lumabas ng tent at nagpunta sa malapit na banyo. Pagkalabas ko sa cr ay may napansin akong mga silhouette na naglalakad papunta sa may kakahuyan. Dahil sa kuryosidad ay sinundan ko sila. Naging maingat ako sa aking paglalakad para hindi ako makalikha ng tunog. Nakalayo na ako sa camping site namin at hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil sa paglalakad ang mga nakikita kong silhouette. Hindi ko naman sila makikita kung hindi maliwanag ang buwan ngayon. Wala akong nadalang flashlight dahil hindi ko naman alam na mapupunta pala ako dito sa may kakahuyan.

Tumigil ang dalawang silhouette. Mukhang nag uusap sila dahil malinaw kong nakikita ang mga anino nila. Nagtago ako sa malaking puno na nasa harapan ko habang pinapanood sila.

"Ang problema dito inilihim mo ang relasyon natin! Tapos sasabihin mong nagseselos ka sa ginawa ko kanina kay Neo?!" It was Quincy. Galit na galit ang tono ng boses niya.

"Ayoko kasing malaman ng iba! Alam mo naman kung gaano kahirap ang lagay natin! Kapag nalaman ng mga parents ko na girlfriend kita gagawin nila ang lahat para paghiwalayin tayo! Yun ang rason kaya ako nagsinungaling kanina!" dahilan ni Lincoln. Mahinahon siya magsalita pero mararamdaman mo parin ang galit niya.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon