XXI : Camping Trip (Confrontation)

646 39 6
                                    

─── C E R L ───

Nagising ako ng bandang alas tres ng umaga at hindi na ako nakatulog pa. Naisipan kong lumabas ng tent para umihip ng sariwang hangin. Naupo ako sa log na nakapaligid sa bonfire. Tumingala ako para pagmasdan ang mga stars sa kalangitan. Muli ko na namang narinig ang tunog ng whistle na mula sa malayo. Kahit na malayo ay klarong klaro ko itong naririnig.

"WHEE! WHEE! WHEE! WHEEEEUW! WHEEEEUW! WHEEEEUW! WHEE! WHEE! WHEE!"

Patuloy kong pinapakinggan ang tunog ng sunud sunod na whistle hanggang sa may marealize ako. Parang may pattern na sinusundan ang whistle na 'yun.

"WHEE! WHEE! WHEE!"

Dot. Dot. Dot.

"WHEEEEUW! WHEEEEUW! WHEEEEUW!"

Dash. Dash. Dash.

"WHEE! WHEE! WHEE!"

Dot. Dot. Dot.

Someone is sending an SOS through whistling! Three dots is equal to S while three dashes is equal to O. Makadalawang beses inulit ang three dots so dalawang S. Kapag pinag sama sama it means SOS. Someone needs help! Biglang sumagi sa isip ko ang text message na sinend ni Azura. Parang may mali sa message na 'yun. Tumayo ako at naglakad papunta sa tent nina Azura. Wala naman akong gagawing masama, gusto ko lang masiguro na naroon nga siya. Binuksan ko ang zipper at sumilip pero isang tao lang ang nasa loob.

Tama nga ang kutob ko. Hindi siya ang nag text nun. It must be the culprit. Isinara ko ang tent nila at saka lumakad papuntang kakahuyan. Nasa panganib siya. Kung hindi ako nagkakamali sa kaniya galing ang tunog ng whistle na 'yun. Humihingi siya ng tulong. Nahuli siguro siya ng culprit kaya napunta sa kaniya ang cellphone niya. Tumakbo na ako para mabilis ko siyang mahanap. Ang whistle na nililikha niya ang naging trail ko para mahanap siya. Napunta ako sa masukal na parte ng kagubatan mas lalong lumalakas ang whistle na naririnig ko it means malapit na ako.

Habang papalayo ako ay papalakas ng papalakas ang tunog ng whistle hanggang sa isang iglap ay tumigil ito. Wala na akong narinig pa, nanatiling tahimik ang paligid. Tanging kuliglig nalang ang naririnig ko at ang ihip ng malakas na hangin. Napagod na ba siya? Nakatulog? Natuyo ang lalamunan? Kinapos na ng hininga? Mas lalo akong nahirapang hanapin siya dahil wala na akong guide. Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya hanggang sa marinig ko ang ringtone niya. Nasa malapit lang ito dahil malakas.

Da, da, da-ba-da

Da, da, da, ba-da-ba-da-ba

Da, da, da-ba-da, da-da

LET'S GO!

Sinusundan ko ang tunog ng kaniyang ringtone at habang papalapit ako ay mas lalo itong lumalakas.

We'll be there!

A wink and a smile and a great old time

Yeah, we’ll be there!

Wherever we are

There’s some fun to be found

Tumigil ako sa paglalakad ng makakita ako ng ilaw sa may daraanan at dito nagmumula ang tugtog. Sa wakas nakita ko narin ang phone niya.

We'll be there when you turn that corner

We'll jump out the bush

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon