XLI : Knowing Bros

568 38 1
                                    

─── A Z U R A ───

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sinasabi ni Unknownimous sa message niya pero malakas ang kutob ko na hindi ito prank. May kung ano sa akin na gustong malaman kung sino si Bros at kung anong role niya sa Music Club. Pero kung dati siyang member ng club bakit wala na siya ngayon? Ano kayang nangyari? Nang dahil sa kuryosidad ay pinili kong patusin ang mensahe ni Unknownimous. Dala ang card na nakalagay sa aking bulsa ay nagtungo ako sa aming clubroom. Dahil early bird ako ay ako lagi ang nagbubukas nun.

Pagkapasok ko ay hinanap kaagad ng mga mata ko ang mga picture frame na nakasabit sa dingding. Mayroong limang magkakatabing frame malapit sa may sala at nakapahugis iyon ng star. Ibinaba ko ang aking bag at iba pang gamit sa may sofa at lumapit sa dingding. Pinagmasdan ko ng mabuti ang mga litratong nakalagay sa mga 'yun. Ngunit bago na ang mga picture dahil kami ang mga 'yun. Mga larawan namin nung tumugtog kami sa school fest at ang first win ko kasama sila.

Kung totoo nga ang sinasabi ni Unknownimous na dapat kong pakialaman ang mga frame na ito may makikita kaya akong kakaiba sa likod ng mga larawang ito? Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Kinuha ko ang frame na nasa tuktok ng star at binuksan ito. Laking gulat ko na lamang ng pagkabukas ko ay imbes na isang picture lang ang nasa loob nito ay dalawa. Ang litratong nasa likod ng picture namin ay silang lima na may hawak na trophy pero may nakakuha ng atensyon ko. Ang lalaking hindi pamilyar sa akin ang mukha na nasa gitna na siyang may hawak ng tropeyo. Siya ba si Bros?

Moreno ito, malakas ang appeal, may dimples, matangkad, guwapo at mukhang mabait. Kinuhanan ko ito ng litrato gamit ang aking cellphone ganoon din ang ginawa ko sa mga sumunod na larawan. Limang picture ang nakita ko na kasama nila si Bros. Naupo ako sa sofa habang pinagmamasdan ang magkakaibang picture na kinuhanan ko sa aking cellphone. Gusto kong malaman kung sino si Bros pero limitado lang ang nalalaman kong impormasyon tungkol sa kaniya. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Kating kati na akong makilala kung sino siya at kung anong meron sa kaniya at bakit in-introduce siya sa akin ni Unknownimous.

Ibinaba ko ang aking cellphone at inilagay iyon sa aking bulsa. Tumayo ako at nilapitan ang cabinet malapit sa pinto. Naisipan kong kalkalin iyon baka sakali mang makakita ako ng piece of information pero wala akong nakita kundi mga costumes namin sa tuwing nasa investigation kami. Walang mga photo album o kahit na ano man. Sunod kong sinuyod ang treasure chest namin pero wala rin akong napala dahil mga instruments ang nandoon. Sa huli ay pinili ko na lang na manahimik sa sulok at huwag masyadong magimg interesado kay Bros.

Sa ngayon ay kailangan ko na munang itago ang aking nalalaman. Hindi ko sasabihin sa kanila na alam ko na ang tungkol kay Bros. Pero gusto kong malaman kung bakit hindi nila nabanggit sa akin ang tungkol sa kaniya. Bakit inilihim nila sa akin kung sino si Bros. Lumabas na ako ng aming clubroom at bumalik na sa classroom dahil magsisimula na ang klasi pero hanggang ngayon ay hindi parin ako matahimik. Curious talaga ako kung sino ang taong 'yun. Alam kong member siya ng club pero gusto kong malaman kung ano pa ang tungkol sa kaniya maliban doon.

Tahimik akong nagsusulat ng lecture dahil wala ang teacher namin ng first period. Something urgent came up daw kasi kaya hindi siya nakarating. Hiniram ko ang notebook ni Claire dahil siya lang naman ang kaibigan ko na masipag mgsulat. Habang nagsusulat ako ay bigla na namang sumagi sa isipan ko si Bros. Hindi ko alam pero kusa nalang akong napalingon sa gawi ni Claire. May alam kaya siya?

"Claire" pagtawag ko sa kaniya na busy sa paglalagay ng liptint sa kaniyang labi.

Ibinaling naman niya agad ang tingin sa akin, "Bakit? May hindi ka ba maintindihan sa mga sinulat ko?"

"Wala naman. May ibang bagay lang ako na gustong pag usapan" sabi ko habang pinaglalaruan sa aking kamay ang black ballpen ko.

"Ano 'yun?" napakunot ang noo niya sabay takip sa liptint niyang nakabukas.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon