Chapter 3

558 38 6
                                    



"How's your life this past ten years?" Pasimpleng tanong sakin ni Charles na hindi napapansin ng parents namin at nina kuya.


Medyo naninibaago pa ko sa kanya dahil ten years ago hindi kami ganito. Para kaming aso't pusa at hindi lang yon para kaming may nakakahawang sakit kung mag-asaran pero kaming dalawa pa din naman ang palaging magkalaro at magkakulitan.


Para ngang hindi mabubuo ang araw namin kung hindi kami nag-aasaran eh.


~~~FLASH BACK~~~


"Hoy pecking duck!" sigaw sakin ni Charles. Nasa may labas kami ng bakuran namin at nakita ko siya na halata namang inaabangan ako para lng makipag asaran.


"Oh bakit KUTO?" ganting sigaw ko din yon naman ang pamatay na tawag ko sa kanya.


Mukha naman kasi siyang kutong lupa eh. Sobrang liit nya sa edad namin mas matangkad pa nga ako sa kanya.


"Kuto ka diyan. Eh ikaw nga mukha kang pecking duck. Wait let me rephrase it. 'Coz you looks like ugly duckling duck." -pang-aasar pa nito.


Well sanay na ako sa kanya at hindi na ko napipikon sa kanya. Siya naman ang palaging pikon eh.


"Oh nagbabangayan na naman kayong dalawang magboyfriend diyan?" sabi ng labing tatlong taong gulang din na kadarating pa lang na si Sonia.


"Yuck! Boyfriend ka diyan," sabay naming sabi ng abnormal na kutong kaaway ko. Nagkatinginan pa kaming dalawa. Sabay din naman namin iniwas ang tingin sa isa't-isa.


Sabi nga kung may talim lang ang tingin baka kanina pa kaming dalawa nakabulagta at pinaglalamayan dahil sa talim ng tingin namin sa isa't-isa.


"Sonia, stop teasing me with that abnormal lice," sabi ko at nilapitan ko na si Sonia.


"Yeah right you pecking duck!" Asar na sabi ni Charles.


Inirapan ko lang siya at iniwan na namin siyang nakatunganga.


"Hoy pecking duck saan kayo pupunta?" habol ni Charles samin habang naglalakad na kami palayo sa kanya.


Pupunta lang naman kami sa may park na may malapit na basketball court para manood ng mga naglalaro.


Hinarap ko siya ng medyo malayo na kami.


"Pupunta kami sa lugar kung saan walang pikon na KUTONG LUPA." -inis ng sabi ko kasi nakakarami na siya. Saka ko binirahan ng takbo habang hawak ko sa kamay si Sonia.


"P-Patricia b-baka naman gusto mong magpahinga," hinihingal na sabi ni Sonia ng nasa may malapit na kmi sa may pinto ng gym.

"huh! Huh! Huh!" hingal na sabi ko din. "Sige tara. Bili muna tayo ng drinks natin." Tumango na lang si Sonia dahil mukhang kakapusin na ito ng hininga.

Childhood EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon