Chapter 10

475 33 6
                                    


"Ui Pats nakita mo ba yong isang guest natin? Ang wafulicious daw at ang howt howt." -exaggerated na balita sa akin ni ate Melba na ikinatawa ko naman ng lihim. Nasa loob ako noon ng aking office dito sa resort at busy sa pagba-budget ng para sa event nina Charles bukas.


Parang hindi teenager lang ate Melba? Feeling nasa kalendaryo pa ang edad? sa isip-isp ko lamang dahil hindi ko pwedeng sabihin baka ma-offend pa. Napailing-iling na lang ako sa inakto nito.

"Ikaw talaga ate Melba," iiling-iling na sabi ko na lang at itinuloy ko na ang aking ginagawa. Maya-maya naman ay lumabas na din ito ng office ko ng madala nito ang mga papers na hinihingi ko.


Saktong natapos na din ako sa pagsusulat at pag-cocompite ng kung ano at magkano ang bibihilhin ko ng tumunog ang aking cellphone.


"Oh may problema ba?" tanong ko kaagad ng masagot ko ang kanyang tawag sa cellphone.


(Oo madami. Eh kasi madaming delivery sa branch 3 at kulang sila ng tao at delivery boy. Sinong ipapadala ko?) hysterical na sabi ng nasa kabilang linya na si Sonia.


"Naku pano ba 'to? Hindi naman pwede si kuya Sonny madami na siyang ginagawa dito. Kung bakit ba naman kasi nagsabay-sabay pa eh!" nag-aalala na din ako.


(Ayon na nga eh! Hindi naman pwede si Jhonny ko,) sabi pa ni Sonia na napahagikgik ng tawa sa kanyang sinabi dahil nabanggit ang Jhonny daw niya.


"Hindi nga talaga siya pwedeng umalis diyan. Teka gaano ba kadami ang delivery? Ako na lang kaya bago ako mamili?" kakamut-kamot sa ulong tanong ko. Napapakagat pa ako sa mga daliri ko.


(limang destination lang naman na, wait I'll check... Ayan ahm yon isa 6 na gallons. 3, 10, 5 at 2. Medyo madami ito. Kakayanin mo ba?) may pag-aalala sa tinig ni Sonia.


"Sige, sige kaya yan. May oras pa naman ako. Diyan sa main na ako dadaan para malapit makakuha ng tubig at magsasama na lang ako ng taga buhat. Haaaay mukhang kailangan ko na namang magdagdag ng tao," Napabuntung-hininga pa ako ng mahaba.


Nagpaalam din ako kaagad kay Sonia ng masimulan ko na ang pag-alis at matapos agad ang mga dapat tapusin.


Nagpasama na lang ako sa dalawang tauhan sa resort para mapabilis ang pagdedeliver.


Mabilis nga namang natapos ang mga delivery at dumiretso na sa market para mamili. Ayako kasi sa superamrket eh masyadong mahal... I need to be practical. Mas maganda kasi kapag sa palengke fresh ang mga prutas at vegetable.


———


"Sir, ready na daw po ang venue bukas. Tumawag na po ang secretary ng resort," Charles' secretary said after he enter in Charles office.


"Sir!?!" malakas na ulit nito ng ilang minuto na sigurong hindi nakasagot si Charles. Doon pa lang parang natauhan si Charles.

Childhood EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon