Chapter 11

400 31 4
                                    


"Wait." pigil sa akin ni Charles. Lumingon naman ako ng dahan-dahan. 

"Yes?" nararamdaman ko na ang pagpikit ng mga mata ko. I know in a few minutes or so ay kusa ng pipikit ang aking mga mata dahil sa sobrang puyat at pagod.


Kakamut-kamot sa batok na nilapitan niya ako.  "Ahm... I just wanna ask if it's okay with you na ikaw ang maging ka.... Ano... ahm!" 

"Ano?" medyo napalakas ang boses na tanong ko. Kasi naman madami pang paligoy-ligoy ang lalaking ito ayaw pang diretsuhin. 

"I just want to ask if it's fine with you to be my.... Partner later?" mabagal ang pagkakasabi nito na tila tinatantya kung anong magiging reaction ko bago nagpatuloy. "Kasi... you know there's a party later and I should have a partner, and I have nothing in mind to go with, ikaw lang ang naisip ko. Knowing my mom she will nag at me if I don't have partner later."


Napangiti ako ng lihim. I can't believe na ang dating walang pakelam sakin at napakabarumbado at kahit babae ay pinapatulan ng pang-aaasar ngayon ay hindi na. He knows how to choose the right word to invite a girl, and I like the new Charles. 

"Sige iyon lang naman pala." nakangiting sagot ko at nagsimula nang lumakad sa direksyon kung saan nandoon ang opisina ko. 


Ngunit bago ako lumiko ay nilingon ko siya. "Matutulog lang ako at don't worry di kita iindyanin." pahabol ko pa at nagdirecho nang maglakad papunta sa office ko. 


Hindi siya mukhang opisina sa labas dahil cottage style ito. Ngunit pagpasok mo sa loob ay makikita mo ang kagandahan ng opisina ko na ako mismo ang nagdisenyo. 


Pagkapasok ko sa opisina ko ay may isang pinto doon na nagdudugtong sa aking silid na siyang pahingahan ko kapag hindi na ako nakakauwi sa sobrang dami ng guest at work. 


Namahinga muna ako ng mga sampung minuto bago napagpasyahang maligo.  Nagbabad lang ako sa bath tub ko ng mga tatlumpong minuto. Dala ng matindin pagod at puyat ay nakaramdam ako ng antok, ngunit bago ako tuluyang makatulog ay ipinasya kong magbanlaw na at sa sariling kama ko na lamang matulog.


Nagpapahinga na ako ng maalala ko ang huling pagtatagpo namin bago ang event nila. Yong date namin na pinaunlakan ko naman.



~~~Flash Back Date~~~ 

After namin sa park ay niyaya nya akong kumain sa isang hotel na malapit lang naman sa luneta park. Hyatt hotel. 


I just noticed that our clothes wont fit on that hotel but since he is so persistent and I think kailangan ko naman na siyang pagbigyan dahil maghapon naman kaming magkasama at naging mabuti naman ito sa mga bata ay pumayag na lang ako.


Naalala ko tuloy yong kanina sa orphanage, siguro ganito din ang pakiramdam niya. Na hindi siya bagay sa lugar na iyon.


Nasa may pinto na kami ng restaurant ng hotel ay naisip ko ng mag-back out na sana eh kaso hinawakan niya ako sa kamay ko at hinila na papasok. 

Childhood EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon