Chapter 4

489 34 6
                                    


~~~Flash Back~~~

"Bakit ka nandito PECKs?" he asked without looking at me. PECKS is short for pecking duck as usual. Inirapan ko na lamang siya ng palihim dahil nga nakatalikod siya sa akin ay hindi niya kita ang ginawa ko.


"Masama ba?" balik tanong ko din at nilapitan ko na siya.


"Ano bang sinisilip mo diyan sa may bintana mo at hindi mo magawang lumingon dito habang kausap ako?" I ask nung makalapit na ako at nakidungaw din sa bintana niya. Pilit kong hinahanap kung anong tinitingnan niya.


"Wala," paiwas na sabi niya at hinarap ako. Nanibago naman ako bigla sa kanya dahil masyado siyang seryoso.


"Bakit ka ba kasi nandito Nicks?" tanong niya na parang naalibadbaran pa sakin. Ikinagulat ko naman lalo ang tinawan niya sa akin. Minsan lang naman kasi niya akong tawaging Nicks o kaya ay Nicole. Madalang pa nga iyon sa patak ng ulan sa disyerto kung tawagin niya ako eh.


"A-ano kasi eh.. ahm... ano eh...kasi ahm..... ganito kasi yon... yayayain sana kitang magswimming kasi ano wala akong kasama," kakamut-kamot sa ulong sabi ko. I don't know why I stammer. But thanks God I already told him. Bigla kasi akong nahiya eh.


"Hindi naman kasi pwede si Sonia kasi naman inutusan siya ng mama niya. So I'm asking if you're free today. But I think you're not free today, I think I'd better wait for Sonia to come," dagdag ko na lang dahil mukhang wala siyang planong kausapin ako at nagsimula ng maglakad palayo sa kanya.


Bigla namang tumawa ang kolokoy na ugok na iyon. Nilingon ko siya at nakita kong namimilipit na siya sa katatawa. Nababaliw na ata ang kutong lupang ito. Kanina seryoso na mukhang pasan ang mundo tapos ngayon naman parang baliw lang na tawa ng tawa.


Nagpout na lang ako ng hindi pa din siya humihinto sa pagtawa at binirahan na ng lakad. Nakakaasar eh.


"Hahaha.... Nicks grabe ka ha," sabi niya nung medyo makahupa na siya sa pagtawa. Ako naman ay malapit na sa may pinto at nagtitimpi na hindi siya masampal.


Huminga ako ng malalim at nagbilang sa isip ko hanggang sampo para pakalmahin ang sarili ko. Napahinto naman ako sa pagbibilang sa isip ko ng marinig ko ang sinabi niya.


"Nagulat naman ako sayo for the first time Nicks nag-stammer ka sa harapan ko at hindi mo pa nga ako tinatanong eh nagconclude ka na agad," tawa pa din siya ng tawa at nakahawak na siya sa kanyang tiyan.


Inirapan ko na lamang siya at sinimulan ko na lang ulit maglakad. Baka kasi mapikon pa kong lalo eh masaktan ko itong abnoy na ito ng hindi oras. Kaso hindi naman ako makaalis sa kinatatayuan ko.


Kasi pinipigilan niya ako. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Pag lingon ko sa kanya nakita kong nakangisi pa din siya.


"Ikaw naman Nicks hindi ka na mabiro. Oo na sige na sasama na ako sa'yo matitiis ba naman kita," seryoso ng sabi nito na nakahawak pa din ang kamay niya sa aking bisig.

Childhood EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon