Chapter 22

324 27 3
                                    

A/N: Gusto nyo na po ba ng POV ni Charles? hahaha... Comment na.. baka po sa mga next chapter pa kanyang POV eh... hehehe.. :)) read VOTE AND COMMENT and also be my FAN thankchu... :))

------------

Pagkapark ni Josh ng kotse sa tapat ng main branch ng refilling station ko ay nakita ko ang pamilyar na sasakyang malimit gamitin ni Charles. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nagmamadali akong bumaba sa kotse ni Josh at nagpasalamat ulit sa kanya... Hindi ko na nga inantay na pagbuksan niya ako ng pintuan at dali-dali na akong nagpaalam. Lihim pa din akong umaasas na bumalik pa siya.

Kung nagtataka man si Josh ay hindi ko na inintindi... Mas excited ako sa mabubungaran ko sa loob ng aking opisina kung siya nga ang makikita kong may dala ng kotseng iyon.

Habang papalapit ako ng papalapit sa pintuan ng aking refilling station ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko..

Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Nasa may tapat na ako ng pinto ay nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi. Nanginginig ang mga kamay ko. Ngunit sa huli ay nanaig ang pagnanais kong makasiguro kung siya nga ay totoong nagbalik na... o aasa na naman ba ako sa wala.

Bigla akong nanlumo ng makita kong hindi siya ang taong ineexpect ko. Parang biglang naglaho ang pag-asa ko.

"Hi Pats how are you?"" Tanong sakin ng taong siyang alam kong may dala ng kotseng nasa labas ng shop. Niyakap niya ako at nakipagbeso-beso.

"I'm fine tita Claud.. by the way what can I do for you?" nakapoker face na tanong ko. Kahit naman may tampo ako sa kanila, hindi ko naman kayang bastusin siya.

"I just wanna say hi and to give you this invitation..." -sabi niya at inabot sakin ang isang papel na may kulay. Wala sa sariling tinanggap ko iyon. Hindi ko na pinagkaabalahang tingnan kung anong nakalagay doon.

"I personally came her to invite you to our Christmas party... request na din yan ni Carol kasi parang engagement party na din nila yon ni Sonny. I hope makapunta ka," parang nangungusap ang mga matang sabi ni tita Claud.

Hindi ko naman maitindihan kung pupunta nga ba ako o hindi... Next week na din kasi iyon eh kaya hindi ako makapagdecide. But since it's christmas kakalimutan ko na muna talaga kung ano ang nararamdaman ko para sa anak niya, at ang sakit na naidulot nito sa akin.

Nakangiting tumango ako sa kanya. "Sige po tita puputa po ako."

Parang meralco na biglang nagliwanag ang mukha nito ng tumango ako. Bigla naman niya akong nilapitan at niyakap ulit, bago biglang bumulong.

"Don't worry everything will be alright on that day..." makahulugang sabi nito na biglang kumalas ng pagkakayakap sakin at umalis na ng refilling station ko.

Naiwan akong tulala... hindi pa din ako nakakamove on sa sinabi niya dahil hindi ko talaga naintindihan. Ano bang ibig niyang sabihin... gulong-gulo ang isip ko na ipinagpatuloy ang trabaho ko.

Hindi ko na namalayang ang paglipas ng oras. Nagulat na lang ako ng magpaalam na sakin ang mga tao ko na ibig sabihin ay alas sinco na ng hapon.

**********

Ang bilis ng araw bukas na pala ang Christmas party at engagement nina Kuya Sonny at ate Carol. Kung sana lang. kung sana lang talaga.

Kung sana lang nandito siya. baka siguro hindi ako malungkot ng ganito, at sana....

Hindi ko pa alam ang susuotin ko sa Party na iyon. Nakalimutan ko na nga ang tungkol sa party eh... kung hindi ko lang narinig na nag-uusap ang mga tauhan ko sa resort ng tungkol sa engagement party ni Kuya Sonny. Imbitado din pala ang ibang mga tauhan ko sa resort.

Napatingin sakin ang mga tao ko at tumigil sila sa pagchichismisan. Okay lang naman sa akin na magkwentuhan sila sa trabaho eh basta wag lang nilang papabayaan ang needs ng mga guests namin.

"Sorry Pats!" Nakatungong hingi ng paumanhin sakin ni ate Melba.

Isa pala ito sa mga nakikipag chismisan... ngumiti lang ako ng bahaw sa kanya at ganoon din sa iba bago umalis na ng tuluyan. Napaisip din ako kung anong aking isusuot. At bago pa ko tuluyang mabato sa kaiisip habang nagdadrive ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na lumiliko papunta sa malapit na mall.

Pagkarating ko doon ay agad akong humanap ng parking lot at ipinarada ang aking Hummer. Pumasok agad ako sa department store at nagtingin tingin ng mga damit.

Ayoko namang mapahiya sa harap ng mga kabusiness associate ni tita Claud at ni ate Carol kaya kahit alam kong hindi naman ako papansinin ng mga tao doon ay gusto ko pa ding maging maganda sa paningin ng iba.

At syempre kahit katangahan na medyo umaasa pa din ako na nandoon siya... para maipamukha ko sa kanya na he's nothing to me at kapag nagkita kami hindi ko siya papansinin.

Lintik lang ang walang ganti. Sobra akong naghirap ng dahil sa kanya. Tapos ngayon na unti-unti na akong nakakamove on bigla siyang babalik at magpapakita sa akin.

Nang makapili na ako ng dress na susuotin na alam kong bagay na bagay sa akin ay isinukat ko iyon. Nang maisukat ko iyon ay lumabas ako upang tanungin ang sales lady na nag-asist sakin.

"Miss okay lang ba?" alanganin kong tanong.

Ngumiti ang sales lady. "Ang ganda po ma'am bagay na bagay sayo. siguro kung ang ako ang kadate nyo hindi na ako titingin sa iba... tamang tama po ang sukat sa inyo na humahapit sa mahugis nyong katawan," mahabang sabi nito.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi naman siya mukhang nagsisinungaling para mabili ko yong binebenta nila, dahil sa tuwa ko sa kanya ay tinanong ko na din siya kung anong magandang shoes ang babagay sa dress ko at siya na din ang pumili.

"Sigurado po akong hinding-hindi po kayo ipagpapalit ng boyfriend nyo kapag nakita niyang suot nyo ang dress na iyan," pahabol pang sabi nito.

"Thank you miss. till next time," sabi ko sa kanya ng matapos ko ng bayadan ang dress na binili ko. Hindi ko na pinagkaabalahang itama ang nasa isip nitong date na pupuntahan ko.

Kumain muna ako bago ako nagpasyang umuwi dahil alam ko naman na para sa mga kasambahay lang namin ang lulutuin nila dahil hindi nila alam na uuwi ako ngayon.

Gusto ko lang ulit mabisita ang bahay namin. at syempre gusto ko ding matanaw ang bahay ng kapitbahay ko.

Sabi ko hindi na talaga ako aasa pero bakit tuwi na lang maaalala ko siya ay nag-iiba ang reaksyon ko. Palagi na lang akong umaasa? Tanga ba talaga ako? o nagmahal lang ?


-------


Cassylicious... :)

Childhood EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon