Chapter 24

295 27 5
                                    



Umiyak lang ako ng umiyak sa dibdib ng lalaking nagsagip sa akin mula sa kahihiyan. I don't know what to do kung hindi niya ako hinila palabas.



Wala na akong pakialam sa mga nadadaanan namin. Basta hinayaan ko na lamang siya na hilahin ako. Narinig ko pang may tumawag sa pangalan ko ngunit hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin. Tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makalabas ng tuluyan.



"Thank you sa paglayo mo sakin sa lugar na iyon." sumisinok-sinok na sabi ko.



"What are friends are for? Don't worry I'm always here for you," seryosong sabi nito habang hinihimas-himas ang ulo ko na parang inaalo.



"Kung wala ka sa tabi ko baka hindi ko na alam ang nangyari sa akin. Thank you talaga Josh. Your my savior." tumunghay ako sa kanya upang magtagpo ang aming paningin.



Hinawakan nito ang aking pisngi at pinunasan ang mga luhang patuloy pa din sa pag-agos.



"Okay ka na ba? Gusto mo ng ihatid kita pauwi?" tanong nito ng makahupa na ako sa pag iyak.



Tumango lang ako at nagpahila na sa kanya papunta sa sasakyan niya. Tulala lang ako habang daan dahil nililimi ko pa ang bawat pangyayari. Ang dami na namang katanungan sa isip ko ang naglalaro.



Bakit bumalik pa sya? Ano ba talaga ang motibo nya at bakit nya ako pinaasa tapos ay iiwan lang ulit. He left me like mash potato. He left me hanging with a lot of questions.



******************



Kinabukasan...



Parang walang naganap na eksena kagabi. Katulad ng dati maaga akong gumigising para pumasok sa refilling station at sa resort. Parang walang bumalik. Balewala na sakin ang lahat.



Nadaanan ko pa si manang at may iniabot sakin isang boquet na bulaklak na siyang ikinapagtaka ko.



"Don't tell me kay Josh na naman galing toh?" tanong ko sa sarili ko ng makaalis na si manang.



I'm about to call Josh nang may nalaglag na isang pirasong papel mula sa mga bulaklak.



Yumuko ako at pinulot ko iyon at binasa.

Childhood EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon