Chapter 34

213 27 3
                                    


He is still nowhere to be found. I don't know what to do anymore. It's been a week since I decided to find him and say my sorry to him, but even his shadow is missing.



I couldn't ask his mom or sister about his location kahit nakabalik na ang mga ito sa kanilang bahay. Even kuya Sonny and Sonia ay hindi ko din matanong.



Pinapangunahan ako ng hiya at takot sa bagay na malalaman ko tungkol kay Charles. Natatakot ako na baka mamaya hindi na pala talaga niya ako mahal dahil isa akong mababaw na tao. Na baka tuluyan na niya akong ipinagpalit sa baragan na iyon na nanghalik sa kanya.



Maraming mga bagay ang naglalaro sa isip ko. At madaming takot din akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Tanging si Charles lamang ang nakakagawa sakin ng ganito.



"Arrrrggggghhhhh......" inis na sigaw ko. Mababaliw na ata ako sa sobrang pag-iisip.



"Hoy girl anong problema mo? Anong nangyari?" humahangos na tanong sakin ni Sonia. Halata mo sa boses nito ang pag-aalala.



"Bakit ka umiiyak?" gulat pang tanong nito sa akin nang makitang hilam na hilam ang mukha ko sa luha.



Hindi ko din namalayan na umiiyak na pala ako. I know I look so miserable this time, but I can't help it. Umiling iling lang ako sa tanong niya.



"A-Ano kasi.... Ahm may nabasa lang ako sa wattpad.. na... ano... alam mo na. medyo madrama at.... Ayon nadala lang ako." Paputul-putol na paliwanag ko. Tumaas naman ang kilay nito na tila hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.



Tinitigan pa ako nito ng matagal bago bumuntong hininga. Alam kong ramdam niya na hindi pa ako handang magkwento kaya tumangu-tango na lamang ito.



"Okay sige, sabi mo eh. Pero kung kailangan mo ng tulong at kaibigan at kapag hindi mo na kaya ang pinagdadaanan mo. Tandaan mo friend nandito lang ako," may pakikisimpatyang sabi nito at lumapit pa ito sa akin bago niyakap ako at tuluyang lumabas ng aking opisina.



Hindi na din ako nagtagal doon at umuwi na lamang din ako sa bahay namin dahil wala din naman akong magagawang matino kapag ganito ang nararamdaman ko.



Pagdating ko sa bahay ay dire-diretso lang ako sa aking silid hindi ko na pinansin si ate Imee na kasambahay namin na bumati pa sa akin ng makasalubong ko sa pag-akyat ko ng hagdan. Wala talaga ako sa sarili ko this past few days.



Nagising ako ng mga bandang alas dyes ng gabi. Ang haba pala ng naitulog. Nakaramdam ako ng gutom kaya dumiretso ako sa kusina para magbungkal ng makakain doon.

Childhood EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon