Chapter 35

192 27 3
                                    


"I'm so sorry miss. I didn't mean to bump on you," tarantang hingi ng paumanhin ng babaeng nakabunggo sa akin. Tinilungan ako nitong makatayo.



"It's okay don't worry about me. It's also my fault 'coz I'm not looking at my way," nakangiting sabi ko habang hawak ang nasaktang braso na nabunggo nito at ang puwitan kong nakipaghalikan sa sahig ng mall.



"Okay ka lang ba? Anong masakit sayo? Sabihin mo sakin. Should I take you to the hospital?" Sunud-sunod na tanong nito sa akin na parang natataranta.



"Don't worry about me. I'll be fine," Nakangiwing sabi ko. Dahil sumigid na naman ang kirot sa aking braso at puwit dahil sa lakas ng pagkakabunggo nito sa akin.



"Are you sure?" Makulit na tanong pa nito. Tumango na lamang ako at ngumiti.



"Mauna na ako sayo nagmamadali kasi ako," Paalam ko na dito dahil nakakaagaw na kami ng atensyon sa mga taong nandoon.



"Sige sorry ulit ha," anito at tuluyan ko ng iniwan.



Nakangiwing nagsimula na akong maglakad habang nakahawak ang aking kamay sa nasaktang puwit. Naghanap ako ng stall na mabibilhan ng cellphone upang mapalitan ko na agad ang cellphone na nasira ko kanina ng maibato ko iyon habang naglalaro ng flappy birds.



Nang makabili naman ako ng kaparehong cellphone na nasira ko ay umalis na din ako agad ng stall at naglalakd-lakad papuntang restaurant na malapit lamang doon.



Isang Italian restaurant ang nakita kong malapit, kaya doon na lamang ako nagtungo. Biglang pumasok naman sa isip ko ang alaala namin ni Charles. Malimit kasi kaming sa Italian restaurant kumain na dalawa.


Dahil may pagkamartyr ako kaya pumasok na lamang ako sa naturang restaurant. Kahit alam kong madaming alaala ang magbabalik-tanaw sa aking kaisipan.


Tinanong ako kaagad ng nandoon na waiter kung may kasama ba ako o wala. Sinabi ko na lamang na wala at binigyan niya ako ng upuan na pandalawahan. Agad na sinabi ko ang order ko at umalis din naman ito kaagad upang kunin ang order ko.


Tahimik na lamang akong naupo at kinutingting ang bagong iPhone na nabili ko kanina. Nag-install ako ng mga games at ibang apps. Iniwasan kong i-install ang flappy birds dahil ayoko ng masira ang cellphone ko dahil napakamahal nito.


Habang busy ako sa aking cellphone ay naagaw ang atensyon ng malakas na pagtawa ng isang customer na nandoon. Nakita ko ang babaeng kanina ay nakabungguan ko. May kasama itong lalaki na nakatalikod sa side ko ang nakaharap lang sa akin ay ang babaeng nakabunggo sa akin kanina.

Childhood EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon