Chapter 2

666 40 8
                                    



"Aaaaaaaah....." I shouted out loud from my lungs when I feel that cold thingy.


"Hoy bunso what are you doing. It's not good to shout specially to your kuya," saway sakin ni kuya habang taklob ang magkabilang tainga.


"It's not good to shout ka diyan eh ginulat mo kaya ako," inis na sabi ko.


"Bunso it's you fault naman kasi kanina ka pa namin ginigising," paliwanag naman nito.


Hindi ko namalayan ang oras napatingin tuloy ako sa orasan sa bedside table ko at nakitang kong alas siyete na pala ng gabi.


"Its dinner time na auntie Gorgeous," sabi naman ng pamangkin ko na anak nito na noon ay nakasampa sa aking kama.


"Yeah thanks Dom," sabi ko kay Dominique habang kinukusot ko pa ang mata ko.


"Follow us na ha Auntie gorgeous," dagdag pa nito bago nauna pang lumabas sa daddy nito.


"Sumunod ka na little sis. May bisita din sa baba kaya kailangan medyo okay ang outfit mo," utos pa sakin ni kuya tapos ay lumabas na.


Parang wala pa din ako sa sariling bumangon na ako. Hindi ko nga natanong si kuya eh o nakumusta man lang. alam ko kasing nasa America siya at nagulat pa ako ng Makita kong nandito din siya ngayon.


Dali-dali na akong nagbihis dahil alam kong mamaya kapag nagtagal pa ako ay si mommy naman ang susundo sakin dito at ayaw ko namang si mommy pa ang sumundo dahil mapapagalitan na naman ako nun ng walang humpay.


Nasa may dulong hagdan na ako nang marinig ko ang kanilang usapan sa may dining table.


Dahan-dahan lang akong pumasok at parang hindi nga nila naramdaman ang pagdating ko.


Tama nga si kuya may bisita kami. Dalawa sila isang babae na mukhang may edad na at isang lalaki na siguro ay hindi naman katandaan base sa pangangatawan nito. Matangkad ito kahit nakatalikod at nahalata kong okay naman.


Tumikhim muna ako bago ako tuluyang lumapit sa kanila.


"O ayan na pala ang aming bunso," si mommy ang unang nakakita sa akin.


"Good evening po," sabi ko na pupungas-pungas pa.


Napalingon naman sakin yong lalaki at babae dahil nakatalikod sila sa akin.


"Ikaw?" gulat na tanong ko ng makilala ko ang mukha ng lalaking bisita nila mommy.


"You?" katulad ko gulat ding tanong nito.


"It seems like you both see each other." -si daddy.


Childhood EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon