Chapter 17

304 27 2
                                    


Past six na ako nagising kaya dali dali akong naligo at nagbihis. Simple lang naman ang suot ko. Dress na ngayon ko lang isusuot kasi nga hindi ako mahilig mag suot ng dress.


Matagal ko ng nabili ito at ngayon ko lang maiisuot dahil wala naman akong paggagamitan napilitan lang din akong bilihin ito. Kulay purple siya na simpleng pencil cut na above the knee.


Pinagmasdan ko ang sarili ko sa repleksyon ko sa salamin. Bagay pala sakin at hindi ako makapaniwalang ako ito. Hinayaan ko lang kasing nakalugay ang buhok kong lagpas balikat at nilagyan ng isang clip sa isang tabi.


Parang hindi talaga ako ito. Hindi na ako mukhang tibong bakla ngayon. Ang ganda ko pala. Napapangiti na lang ako sa sarili kong repleksyon. At parang tanga lang din akong nagpapraktis kung paano tumawa.


Patuloy lang ako sa pagsipat sa sarili ko ng makarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko. Pinagbuksan ko naman at nakita kong si manang at tila manghang mangha dahil matagal akong tinitigan nito.


Kung hindi pa ako nag snap ng finger ko sa tapat niya ay hindi ito mataauhan.


"Ah eh Pats nasa baba na si Sir Charles.." tarantang sabi nito. "Napakaganda mo ngayon anak. Napaka blooming mo," papuri pa nito sakin.


Namula naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi nga ako naglagay ng make up eh pulbo lang at kaunting lip gloss ang inilagay ko.


"Ngayon lang manang?" nakangiting tanong ko dito at inakbayan ito.


"Syempre hindi. Parati kang maganda mas maganda ka nga lang ngayon." puri pa nito.


"Thank you po!" umakbay pa ako dito. Natawa na lang ako sa reaksyon ni manang minsan nga lang kasi akong magsuot ng ganitong kasuotan eh.


Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakitang kong 5 minutes before seven. Natuwa naman ako dahil marunong siyang sumunod sa oras ng napag usapan. another one point para kay Charles.


"Sige po bababa na ako,"


Kinuha ko lang ang pouch ko at bumaba na ako kasunod ni manang. Pagbaba ko ay nakita ko si Charles na nakatayo patalikod sa gawi ko. Likod pa lang ulam na.


Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para sana gulatin siya.


"Don't try na gulatin ako babe. I heard your heels a while ago." sabi nito at unti-unting humarap sa akin.


"let's go?" alanganin kong tanung sa kanya dahil namimilog ang mga matang nakatitig sa akin.


"Y-Yea sure.." parang wala sa sariling sabi nito na nabitiwan pa ang boquet na hawak.


Napatawa naman ako sa kanya. Tila natataranta ito.


Childhood EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon