Chapter 27

330 28 6
                                    



Ilang araw na akong nililigawan ulit ni Charles. At syempre. Hatid sundo din niya ako. Balik kilig na naman ang nararamdaman ko and this time hindi ko na mapigilan kung ano man nararamdaman ko para sa kanya.



Sa ilang araw na iyon ay masasabi kong totoo nga ang kanyang nararamdaman sa akin. Nasabi ko na din sa kanya ang kondisyon ko...




~~~Flash Back~~~



"Okay. My condition is as simple as this. Gusto ko magpaparty ka sa mga bata sa ampunan. Gusto ko engrande at dapat may mga bago silang damit kawawa naman sila eh. At dahil malapit na ang pasko dapat may mga regalo din silang matatanggap kaya yon ang condition ko," seryosong sabi ko.



"And after that sasagutin mo na ba ako?" nakangising sabi nito.



"Eh kung pinepektusan kaya kita diyan sa ngala-ngala. Hindi pa nga kita napapatawad sasagutin agad at hindi ka pa nga nanliligaw. At wala ka namang tanong," irap ko sa kanya.



Ngumisi lang ito at sinabing. "Akala ko lang naman makakalusot. Okay! Give me a week to prepare things for the children in the orphanage," sinserong wika nito.



~~~Flash Back End~~~



Nakatanaw lang ako sa busyng busy na mga tao ni Charles, maging si Charles ay busy din ako lamang ang hindi dahil ayaw nya daw ako mapagod. So sweet of him.



Ngayon nga prepared na ang party para sa orphanage na pinuntahan namin dati. Tuwang-tuwa naman ang mga madre at mga bata sa ampunan. Kasama din namin ang parents ni Charles at sina ate Caroline with her soon to be husband.



"Anong iniisip mo?" tanong ng taong nasa likod ko at niyakap ako ng patalikod at ipinatong ang baba nya sa balikat ko.



"I was thinking kung gaano mag-eenjoy ang mga bata dito," pagsisinungaling ko.



"Sis I know you so well," sabi ni kuya, kasama din namin sina ate Diane at Dom.



Si Dom ang isa sa nagpumilit na sumama. Kaya kahit nahihirapan na si ate Diane sa pagbubuntis niya ay sumama pa din sila.



Pwede naman sanang kaming dalawa na lang ni Dom kaso naisip nilang mag-asawa na masarap makapagbigay ng saya sa mga bata at makapag-abot na din ng tulong sa mga ito.

Childhood EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon