Chapter 31

285 27 14
                                    


"Oh my... Charles sweetie how are you?" sabi ng babaeng lumapit samin at hinalikan si Charles sa lips sa harap ko at may pagkapit pa sa batok ng BOYFRIEND ko ang babaeng ito.



Sobrang pagtitimpi ang ginawa ko bago ako tumikhim. Ang mga taong nakapaligid naman sa amin na pawang mga tauhan ko sa resort ay napasinghap sa nakitang tagpo dahil alam nilang kami ang mag boyfriend ni Charles.



"Ehem..." super pagtitimpi ng katarayan ang ginawa ko.



Ganito pala ang pakiramdam ng nagseselos parang gusto mong sumabog anytime. Parang gusto kong magwala at ipagwaswasan ang babaeng ngayon ay kahalikan ng boyfriend ko. Bigla naming lumayo si Charles ng marinig ang tikhim ko.



"Ahm by the way Kayla I just want you to meet Pats. She's the owner of this resort," Pakilala ni Charles sa akin at hindi man lang talaga ako ipinakilalang girlfriend ha. "And Pats this is Kayla a friend from US. She's also a Pinay, ah her mom actually," tila tarantang sabi nito.



Tumango-tango lang ako at hindi pinansin ang kamay noong babae na Kayla daw ang pangalan na iniabot sa akin. Bagkus ay nag-walk out ako at tumakbo palayo.



Dali-dali akong nagpunta sa cottage ko at nagpalit ng damit. Hindi ko na nagawang magshower ang gusto ko na lang ay ang makaalis sa lugar na iyon at iwan ang kutong lupang iyon kasama ang malanding baragan na iyon.



Hindi man lang nga talaga ako hinabol ng kumag na iyon. Makikita nya. Sabi ko sa sarili ko habang nagdadrive ako pabalik sa manila.



Hindi na din ako nakapag-paalam kay ate Melba. Masamang-masama ang loob ko. Kanina lang sweet kami. Tapos ngayon? Ano? Hindi ba siya proud na ipakilala ako bilang girlfriend niya?



Hindi ko namalayan na nahihilam na pala ako sa luha at patuloy pa din ang pagdadrive ko. Wala na akong pakealam kung mabangga man ako ang mahalaga makalayo ako sa lugar na iyon at makaiwas kay Charles.



"Aaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh....." sigaw ko out of frustration habang hinahampas ko ng malakas ang manibela ng kotse ko. Naiinis kasi ako sa kanya at sa sarili ko.



Oo aminado ako nagselos ako. Pero naisip ko din dapat hindi ako agad umalis. Dapat nakinig ako sa paliwanag nya. Pero ano pa bang ipapaliwanag niya eh nakita na nga ng dalawang mata ko kung paano sila maghalikan sa harapan ko. At hindi din naman niya ako hinabol para magpaliwanag.



Hello earth to Charles lang ha. Wala kaya kami sa America para makipag halikan siya sa harap ng madaming tao. Especially sa harap pa ng magandang girlfriend nya.

Childhood EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon