Chapter 16

378 29 5
                                    

dinedicate ko po ito kay MsButterfly kasi super idol ko siya... hehehe.. :)) siya din ang gumawa ng cover photo ko so thanks iDoL.. :))


——-


"Charles!" tawag ko sa kanya ng malapit na siya sa kotse nya.


Lumingon naman siya at lumapit sakin. Hindi ko na napigila na ng mga sunod na pangyayari.


Naramdaman ko na lang ang paglalapat ng mga labi namin. Hindi ko alam kung anong kalandian ang pumasok sa katawan namin at pareho kaming nadala. Una ay mabining halik lamang hanggang sa unti-unti ay tila maghahanap ang mga labi nito ng katugon. Na hindi ko naman hinayaang mabigo siya.


Hinayaan kong magkahugpong ang aming mga labi na tinutugon ko din ng kasing alab ng paghalik niya sa akin. Napapikit na lang ako at hinayaan ang aking mga kamay na pumulupot sa kanyang leeg.


Pakiramdam ko ay nanghihina ako. Tila may enerhiyang hinihigop ang aking mga lakas. Siya ang unang huminto. At ipinatong ang noo niya sa noo ko habang nakakapit pa din ang aking mga kamay sa kanyang batok.


Nangyari na ito noong gabing ihatid niya ako sa aking room sa resort. Mas masidhi nga lamang ang damdaming nararamdaman ko ngayon kaysa sa noon.


Parang ngayon lang ako nakaramdam ng hiya kaya tatanggalin ko na sana ang aking mga kamay sa pagkakayakap sa kanya ng pigilan niya ako.


"Don't please. Lets stay like this." tila paos na pakiusap nito.


Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko na lamang na ganoon ang aming ayos. Magkapatong pa din ang aming mga noo at nakayakap pa din ako sa kanya at nakapulupot ang mga kamay nito sa aking bewang.


"I think you really need to go." sabi ko ng makaramdam na ako ng pangangawit ng binti.


"Yea I guess so." he said. But he's not even moving.


Natatawang kumalas na ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "Umalis ka na. Magkikita pa naman tayo bukas," pagtataboy ko sa kanya.


"I'm gonna miss you," tila nahihirapang sabi nito. "Good night dream of me babe," sabi nito at hinalikan pa ulit ako sa labi bago tuluyang sumakay sa kotse niya.


Inantay ko munang makaliko siya sa bahay nila bago ako pumasok sa loob ng bahay namin.


Pagpasok ko sa kwarto ko ay binuksan ko ang iphone ko at nagtingin ng mga post sa facebook at twitter ko.


Ang dami kong notif na nakita. May mga post at tagged pictures sa akin. Puro kami lang ni Charles. At ang bruhang si Sonia ay may comment pa.


"CHILDHOOD ENEMIES... ADULT LOVERS... HAHAHA..." Ganang ganan ang nakalagay na comment nya sa pictures namin na siya mismo ang nagpost.


Childhood EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon